PERSONAL NAMING pinuntahan si Ara Mina sa kanilang bahay sa Don Antonio Village sa Quezon City, kung saan ay sinabi nitong punung-puno na siya sa mga katarantadahan ng nakababatang kapatid na si Cristine Reyes. “Imagine, kung matino ba ang utak ng taong ‘yan eh, magagawa niyang magpadala ng 80 text massages sa kapatid naming si Hervin?”
Ayon pa kay Ara, sobra-sobra na raw ang ginagawa niyang pagtatakip sa masamang ugali ng kanyang kapatid. “Panay ang sabi niyang bati na kami sa mga interview niya eh, paanong mangyayari ‘yun gayong hindi naman kami nagkikita pa? Kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya na hindi mo talalaga masisikmura. Imagine, feeling niya ay siya ang nagpapakain sa amin para bang aping-api na siya. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak niya, sa tingin ko nga ay kailangan na niyang magpatingin sa psychiatrist.”
Ayon kay Ara, kailangang magpa-tingin na sa doctor sa utak ang nakababatang kapatid dahil hindi na normal ang takbo ng mga ginagawa sa buhay. “Noon pa maldita na ‘yang si Cristine, pero mas lalong lumala ngayon na feeling yata niya sa kanyang sarili ay sobra na siyang sikat.”
Samantala, noong gabi nang dalawin namin si Ara sa kanyang bahay ay nakatakda sana naming interbyuhin ang kapatid na si Hervin, pero hindi natuloy dahil biglang dumating ang ina. Pagkakita pa lang nito sa amin, obvious na nagalit ito at nagtuluy-tuloy sa silid na malapit sa aming kinauupuan. Kinausap ito nina Ara at Hervin at paglabas ng Hervin ay hindi na raw siya magpapa-interview sa amin.
“Huwag na, ayaw… huwag na lang po,” sabi ng nakababatang kapatid ni Ara na obvious na pinagbigyan ang inang nag-iiyak dahil tila ayaw na nitong ipaaalam pa sa publiko kung anuman ang masasakit na muling ibinato sa kanilang pamilya ni Cristine.
“Kung hindi natin ilalabas ang mga pinagsasabi niya paano niya malalaman ang mga pagkakamali niya?” Sabi ni Ara sa kapatid, tsaka humugot ng isang malalim na buntong hininga na binalingan kami ng tingin. “Sorry, Morly, ha? Huwag na muna. Ayoko rin namang magalit si Mama.”
SINADYA KAMING puntahan sa DZRH ng guwapong aktor na kung ilang beses nang naging bida sa indie films na si Norris John. Ayon sa kanya, nawala siya nang kung ilang buwan sa showbiz dahil matapos niyang magpakita ng ilang parte ng katawan ay parang hindi rin napansin ang kanyang pinaghirapan. “Gusto ko naman sanang subukang maging wholesome, dahil iyon ang gusto ng parents ko. Pero hindi ko naman pinagsisihan ang mga ginawa ko nu’n. Gusto ko ay parang mag-level up sa acting.”
Si Norris ay nag-aaral sa AMA ng Computer Science. “Graduating po ako ngayon, at nagsimula ako sa showbiz noong first year college pa lang ako. Nawala ako para pagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral.”
Sa pagbabalik sa showbiz ni Norris, gusto niyang makasama sa isang pelikula si Coco Martin dahil tulad ni Coco ang kakayahan ni Norris. “Si Cristine Reyes po ang gusto kong maging leading lady kung sakaling papalarin ako sa aking pagbabalik.”
Ang makasama sa isang movie si Coco at maging leading lady si Cristine ay pangarap na feeling ni Norris ay mahirap maabot dahil sino ba siya para mapansin. Pero malaki ang kanyang paniniwala na ang mundo ay bilog. Who knows kung isang araw ay umayon sa kanyang pangarap ang gulong ng palad? Tsuk!
PINUNTAHAN NAMIN si Derek Ramsay sa first taping day ng pantaseryeng Kidlat para sa TV5. “Pagoda ako, Morly.” Maikling bati sa amin ni Derek na pupungas-pungas nu’ng gabing iyon.
Ayon kay Derek, hindi nakakaasiwa ang costume na isinuot niya sa nasabing pantaserye dahil hindi ito tulad ng mga costume nina Spiderman at Captain Barbel na nakalabas ang brief. Samantala nagulat daw si Derek sa picture niyang lumabas sa Instagram. “Bakat na bakat talaga, kasi parang naka-trunks lang ako du’n at medyo manipis ang suot ko kaya nagulat ako nu’ng makita ko.” Pero ok lang daw dahil hindi naman daw lumabas na bastos at normal lang iyon sa isang lalaki.
“Actually ‘yung story ang ibinibenta rito sa A Secret Affair dahil maganda talaga.” Kaya lang, hindi raw maiwasang pag-usapan ang sexy scenes nila nina Anne Curtis at Andi Eigenmann.
More Luck
by Morly Alinio