NAG-I-ENJOY nang husto si Ara Mina tuwing rumarampa siya sa stage na katulad ng mga professional models. Ayon sa award-winning actress, madalas niya itong gawin noong hindi pa siya nag-aartista.
“I don’t know when was the last time na nag-ramp ako sa isang fashion show. I used to do this before ako mag-artista kasi gusto ng mom ko na maging beauty queen ako like her. Ha-ha-ha! Pero mas pinili kong mag-artista,” natatawang pagbubulgar ni Ara.
Ang mommy ni Ara na si Frances Klenk ay dating beauty queen at kinoronahan noon bilang Mutya Ng Pasig.
“Wala, eh, naengganyo ako ng showbiz. At saka, choice ko rin naman ito – ang pasukin ang pag-aartista. Pakiramdam ko kasi talaga hindi ko kayang maging beauty queen, hindi ako para do’n, eh. Ha-ha-ha.
“Pero wala naman akong reject sa ginusto kong gawin. Naiintindihan naman ni mommy na ito (showbiz) talaga yung love ko. Naging very supportive naman siya, though pag minsan, kapag masyadong maraming intriga sa akin, binabalikan niya na sana raw nag-beauty queen na lang ako,” sambit pa niya.
ust recently, muling rumampa si Ara Mina sa SMX Convention Center Bacolod para sa BORN BRAVE (A Fashion Show For A Cause). Napakaimportante ng event na ito para sa kanya dahil nakasama niya sa fashion show ang ilang mga kabataang merong down syndrome na katulad ng kapatid niyang si Baching na dapat ay present din sa event kaso nga lang nagkasakit ito.
“I try my very best na whenever may event for a cause lalo na pag related sa Down Syndrome, I clear my schedule and block the day to attend and bond with them especially if I don’t have work na naka sched.
“I have a soft spot for them because as you all know, my adorable sister @ilovebaching di ba? She was supposed to be with me in this show but bigla siya nagkasakit.
“I had a great time during the fashion show. Na-appreciate ko talaga and sana next time kasama na si Baching,” wika pa niya.
Pinasalamatan din ni Ara ang mga taong involve sa fashion show for a cause.
“I would like to extend my thanks to my kumpare, Cong. Gasataya and my mare, Maita for inviting me and my sister,” she said.