PALIHIM at isinisikreto pala ni Ara Mina ang ginagawa niyang pagtulong sa ilang artista sa showbiz. Lately lang na-reveal, mula mismo sa aktres na si Deborah Sun na libre siyang pinatira ni Ara sa condo unit nito sa Quezon City.
Ayon kay Deborah, 3 years na siyang nakatira sa condo kasama ng kanyang dalawang anak. Bukod sa hindi raw niya pagbabayad ng renta, tinutulungan din daw siya ni Ara sa iba pang bagay.
Nagulat naman si Ara sa biglang pagkukuwento ni Deborah about it.
“Hindi ko nga namalayan na three years na pala yon. Wala naman kasi sa akin yon. Ayoko rin na pinag-uusapan ang tungkol don. Gusto ko tahimik lang,” rason ni Ara.
Sa tinagal-tagal naming kilala si Ara ay never din siyang nagkuwento tungkol sa ginagawa niyang pagtulong sa ibang artista. Ang alam lang namin na very vocal siya sa pagtulong ay do’n sa mga batang may down syndrome.
Anyway, maganda ang takbo ng restaurant business ni Ara na Hazelberry Café (na ang main branch ay nasa Holy Spirit Drive, Don Antonio, Quezon City) na magkakaroon pa ng 2 branches ngayong first quarter ng 2019.
“Nag-open kami sa Madison Galeries, Alabang Hills nung bandang third quarter ng 2018. Tapos before nag-end ang 2018 nag-open di kami sa Ayala Malls Feliz sa Marcos Highway.
“Magkakaroon na rin kami sa Alta Claro Bldg, Mc Arthur Highway sa Angeles, Pampanga. Tapos inaayos na rin namin yung isa ang branch sa Ayala Fairview Terraces, Quezon City,” balita niya.
Kasama rin si Ara sa pelikulang The Last Interview: The Mayor Halili Story na nagkaroon ng premiere night sa SM Cinema Lipa, Batangas.
Ang pelikula ay pinagbibidahan ni John Estrada bilang si Mayor Antonio Halili ng Tanauan Batangas na binaril sa mismong flag ceremony.
Ang pelikula ay sa direksyon ni Ceasar Soriano.
Kasama rin sa The Last Interview sina Martin Escudero, Mon Confiado, Yayo Aguila, Phoebe Walker at marami pang iba.
La Boka
by Leo Bukas