MULING LUMUHA si Ara Mina sa kanyang interview sa Startalk kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya versus kapatid na si Cristine Reyes na ayon na rin kay Ara Mina ay nagbago na simula nang sumikat.
Dagdag pa ni Ara Mina, pera ang ugat ng hidwaan ng pamilya nila at ni Cristine, kung saan involve ang kanilang kapatid na lalaki na nangungutang daw kay Cristine, pero imbis na pautangin ay masasakit na salita ang nakuha nito mula kay Cristine.
Tsika nga ni Ara, gustung-gusto na nga raw sugurin ng kanyang lalaking kapatid si Cristine, pero pinigi-
lan na lang nila, dahil kung hindi nila napigil baka kung ano ang nangyari.
Nalulungkot daw siya for Cristine, dahil iniisip nito na nai-insicure siya sa kasikatan ngayon ng nakakabatang kapatid, pero hindi daw ito totoo. Dahil kung ano mang kasikatang meron si Cristine ngayon ay dinaanan na niya.
At sa mga nangyayari sa kanila, kaya naman daw walang balak iurong ni Ara ang kanyang kasong isinampa over Cristine. Bahala na raw ang korte ang umayos kung ano man ang gusot sa pagitan nilang magkapatid na damay na pati pamilya.
KAABANG-ABANG ANG The Amazing Race Philippines ng TV5, hosted by Derek Ramsey na mapapanood na sa Oct. 29, kung saan mapapanood ang magagandang lugar sa buong Pilipinas na nilibot ng mga contestant.
Binubuo ng 11 Pairs ang contestants mula kina actress LJ and CJ, isang die-hard fan ng Amazing Race franchise; Dani Castano na Former Bb. Pilipinas-World 2008 at Mish Van Ruyven; former EB Babes member Saida and former Eat Bulaga floor director Jervi Lisab; Dayal and Fausto; Marc and Kat; Sheena and Gee; Cristel and Mykey; Armand and Anton; ang mag-amang Ed at NBN 4 news anchor Angel; at ang instant favorite ng mga press during the presscon, ang bored housewives na sina Pam at Vanessa na sumali sa reality show ng TV5 dahil mga tagahanga sila ni Derek Ramsay.
‘Di nga maiwasang mamula ang mukha ni Derek habang sinasabi ng “bored rich housewives” na gustung-gusto nila ang actor at hindi dahil sa prizes kung bakit kaya ginawa nila ang lahat para maging contestants sila ng The Amazing Race Philippines.
ISANG MALAKING tagumpay ang firts concert ng Walang Tulugan With The Master Showman teen co-host na si Raymond Manuel na ginanap sa Music Box kamakailan, kung saan naging espesyal niyang panauhin sina Faith Cuneta at Gani Oro.
Jampacked ang nasabing venue sa dami ng taong nanonood sa concert na ito ni Raymond, kaya naman tuwang-tuwa ang very supportive lola nito na si Mommy Venus Manuel sa turnouts ng first solo concert ni Raymond. Kaya naman daw nagbabalak ito ng another concert for Raymond this year, and this time ay mas malaking venue raw ang paggaganapan ng konsiyerto ng very talented na bagets para mas maraming tao ang makapanood nito.
Present din sa concert ni Raymond ang kanyang mommy , daddy at mga kapatid, Tita Precy, mga kamag-anak at kaibigan.
John’s Point
by John Fontanilla