TILA MATATAGALAN pa bago makabalik ng Showtime si Vice Ganda dahil mahigpit daw ang bilin ng kanyang doctor na bawal siyang magsalita.
Ipinaliwanag nga ni Vice sa kanyang Twitter account na may polyps siya sa lalamunan na nangyari rin sa kaibigan niyang si Kris Aquino.
Pero sabi raw ay mas malala ang kay Vice dahil ‘di nakuha sa treatment at baka raw mauwi sa operasyon.
“Sorry guys u wont see me muna sa Showtime. The doc found polyps in my vocal chords. Di na nagsasara yung upper part coz its seriously damaged,” tweet ni Vice Ganda.
Sabi pa niya, second day na nga raw ng steroid treatment niya and strictly no talk therapy.
“The blood vessels are swollen and might collapse. I have also acid reflux na lalong nagpalala. Were trying steroids now and strictly no talks for the rest days. Kapag ‘di gumaling I will have to undergo surgery.
“Ilang araw na akong papel at ballpen ang katapat ko dahil kailangan kong isulat kung anong sasabihin ko. It will take a few days but I’m sure I’ll be fine. The Lord loves me. I’m not even bothered.”
“Anyway, Anne Curtis will be back in Showtime later. Katumbas na ‘yun ng doseng bibig ko!” post pa ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo