SA UK, ordinaryong araw lang ang November 1 pero espesyal ito para sa mga Pilipino. Bago pa maging abala sa pagshoshopping para sa Pasko, pamimili ng mga bulaklak at kandila ang pinagkakaabalahan ng mga Pinoy para dalhin sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay pagsapit ng November 1.
Ang November 1 ay hindi lamang basta araw ng mga Patay kung hindi Araw rin ng mga Santo. Sa ibang bansa, mas binibigyang pansin ang October 31 dahil sa Halloween! Kung saan, nagtritrick or treat ang mga bata. Nakacostume ang mga ito at nagbabahay-bahay at sasabihin ang “trick or treat,” para manghingi ng sweeties kapag trick ang napili ng mga may-ari, ay tatakutin naman ng mga bata ang may bahay. Ginagawa narin sa Pilipinas ang Trick or Treat kadalasan ay sa mga malls at sinusundan ito ng Halloween costumes dahil dito unti-unti ng nawawala ang pangagaluluwa, kung saan nagbabahay-bahay rin ang mga bata at kumakanta tungkol pagdalaw ng mga kaluluwa sa bahay at mag-aantay na maabutan ng suman o malagkit na usong hinahanda sa mga panahong ito.
Pero alam nyo ba ang pinagmulan ng Halloween? Ang Halloween ay hango sa All Hallows’ Eve or evening of All Saints day. Bahagi ito ng tinatawag na triduum o religious observance na tumatagal ng tatlong araw. Naniniwala ang mga Katoliko sa “Communion of Saints” or Kasamahan ng mga Banal. Itinuturo ng simbahan na mamuhay kagaya ng mga santo upang makamtan ang buhay na walang hanggan kasama si Kristo. Naniniwala ang mga Katoliko na ang pagdarasal sa mga santo ay nakakatulong upang dinigin ng Diyos ang kanilang panalangin kaya mahalaga na alalahanin ang All Saints day. Nagtatapos ang Triduum sa November 2, ito ang Araw ng mga Kaluluwa. Madalas napagpapalit ng mga Pilipino ang Araw ng mga Kaluluwa sa Araw ng mga Santo kaya naman November 1 mas madalas pumunta ang mga Pinoy sa sementeryo. Nagpupunta sa sementeryo upang mag-alay ng mga bulaklak at kandila. Naghahanda rin ng paboritong pagkain ng yumao. Ginagawa rin ito sa iba pang mga Katolikong bansa tulad ng Spain, Portugal, Mexico at Poland. Mahalaga na ipinagdiriwang ang araw na ito upang ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga yumao lalo na ang mga kaluluwa na hindi pa nakakaalis sa purgatoryo. Naniniwala ang mga katoliko na ang namatay na tao ay hindi agad dumidirecho sa langit o sa impyerno, napupunta sila sa purgatoryo, isang lugar kung saan napapadpad ang mga kaluluwa na nakagawa ng kasalanan, sila ay “pinupurify” sa purgatoryo o binibigyan ng temporal punishment hanggang sa makapasok na sila sa kaharian ng Diyos kaya napakaimportante na maipagdasal sila ng mga nabubuhay. Wala daw katiyakan kung gaano katagal mananatili ang isang kaluluwa sa purgatoryo kaya dapat ay patuloy ang pagdadasal ng mga mahal sa buhay at kung makapasok na ang kaluluwang ipinagdadasal sa kalangitan, makakatulong naman ang patuloy na panalangin para sa ibang kaluluwang nanangis.
Dahil sa modernong panahon, ang pagdiriwang ng All Saints and All Souls day ay nagiging commercialised na. Higit sa mga Halloween parties, trick or treating, picnic at reunion sa sementeryo, pagtutulos ng kandila at pagaalay ng bulaklak ay hindi sana makalimot na manalangin para sa mga kaluluwa ng lahat ng yumao at mas magaling kung makakadalo ng banal na misa.