NAKATUTUWANG NAGKAROON ng film project ang mga estudyante ng Asia Pacific College. Dumarami ang nakikiusyoso upang panoorin ang shooting na naganap sa Muntinlupa. Ang totoo, bahagi rin ako ng nasabing short film. Sa madaling salita ay ‘extra’ at natiyak ko na mapupunta ako sa role ng pagiging gangster, hahaha!
Ang pangalan ko sa film ay Berto. Siyempre, ang mga karakter na bida ay si Archie Adamos, bilang isang ama, at Arthur Habana, Jr. naman, bilang anak sa short film na pinamagatang Halaga.
Kapag nakaupo ako at umiinom ng kape, naisip ko bakit hindi ko interbyuhin kahit kontrabida ang artista, dahil kapag nakilala mo sila, marahil ay hindi mo naman kayang sukatin. Sabi ko tiyak may babaw at may lalim ito. Tiyak kilala ninyo si Archie na binansagang “Kapal Gooms” sa isang commercial ng gulong. Hindi rin siya nawawala sa mga indie film kung saan siya lumalagare. Nito lamang, isinama siya sa cast ng pelikulang Tata Selo na kinunan sa Laguna.
Tanong ko, bakit mas ginusto niyang maging artista kesa businessman. “Ah, hindi ko rin po masasagot ‘yang mga bagay na ‘yan. Hanggang ngayon, hinahanap ko pa ‘yung tanong kung bakit may kiliti o ‘yung interes ay hindi mawala-wala. Ang sabi nga nila kapag pumasok ka na o nakapasok ka na, parang hinahanap-hanap mo ‘pag wala na, parang isang bagay na mahal sa ‘yo. ‘Yung mahalaga na hindi mo maibigay ‘yung presyo. Ganu’n ko siya maipapaliwanag nang tama.”
Nagsimula si Archie sa teatro noong taong 1979 nang siya ay nagpasyang mag-audition at nakapasa. Matapos ang tatlong taon, na-realize niyang meron pala siyang dapat tapusin muna, at iyon ay ang pag-aaral ng medisina. Kaya pinaghalo niya ang pag-aaral at pagte-teatro. Si Lino Brocka ay naging very close niya rito at ibang mga director.
“Naging mentor ko rin si Direk Lino at ‘yung manager ko ngayon na si Ed Instrella, na manager din ni Allan Paule, Susan Africa, Cherry Pie Picache. Sige Direk Lino rin ang nagsabi noon na tapusin ko na muna ‘yung pag-aaral ko.”
Pinayuhan daw siya ni Direk Lino na kapag natapos niya ang pag-aaral at natagpuang mayroon pa siyang kiliti sa pagsali sa teatro ay bumalik ito sa teatro. Ganu’n nga ang kanyang ginawa, kaya after na makuha niya ang licensure examination nang panahon ng Edsa Revolution at naghihintay sa resulta ay sumali siya sa kung anu-ano.
Nagtapos nga si Archie ng medisina at naipasa ang board exams. Ngunit napagpasyahan niyang huwag nang ipraktis ang propesyon. Dagdag pa pa niya ay, “Ah, ‘yung ibang ka-batchmate ko, niyaya ulit ako. Hanggang ngayon ay siya pa ang City Health Officer nitong namatay na DILG Secretary na si Robredo, kaya lang even up to now, dahil lagi niya akong niyayaya eh, nahihiya na ako. Sabi ko lang, bising-bisi ako eh.”
“Ganu’n nga ang aksyon sa showbiz. Minsan, marami kang ginagawa, minsan walang-wala nang mga ilang buwan. Minsan taon, tapos babalik na naman ang career mo ulit.”
Dugtong ko, iyon nga ang mga gusto kong gawin upang tanungin kong paano natin mapapanatili ang isang artista na buhay na buhay ang dugo na tapos puputulan bigla ng project. Ano na ang labas noon, eh, naka-swero na?
“Tapos tatanggalin mo lang ang swero at sasabihin mo na ay malakas-lakas pa naman ako. May ganu’n eh, may tinatawag silang may resurgence ng career mo. Ah, marami rin naman akong mga kakilala na ganu’n ang naging takbo ng career nila.”
Masasabing aktibo ngayong 2014 si Archie nang mapasama siya at maihalal ng Film Academy of the Philippines (FAP) para magre-presenta. Dapat daw ay kay Rez Cortez ang posisyong iyon ngunit masyadong naging busy ito kaya siya ang nag take-over sa pagiging representative ng FAP para sa NCCA board particular sa Board of Cinema.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia
E-mail: [email protected].
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia