ALIW TALAGA ITONG si Arci Munoz kapag nagsasalita na. Alam mong totoo kasi at walang preno.
Kung ano yong sinasabi niya ay ‘yun na ‘yun. Kung ano ang gustong itawid ng aktres na mensahe na itinutulak ng puso at isip niya. In short, magugustuhan mo siya dahil alam mong totoo ang sinasabi niya.
Si Arci ang nagbigay buhay, saya at tawanan sa grand press launch ng pelikulang “Can We Still Be Friends?” na bagong pelikula ng aktres na kasama niya muli si Gerald Anderson na nasa direksyon ni Prime Cruz.
Matagal na pala niyang crush ang ka-partner na si Gerald. Lalo na ang mga abs nito gayong kahawig ng aktor ang sikat na Hollywood actor na si Zac Efron na halos hahawig din naman ng binata.
Dahil sa yum-yum na abs ni Gerald, kinuntsaba pa ni Arci si Direk Prime.”Sabi ko kay Direk Prime ‘wag niyang ika-cut. Sabi ko ‘Wait lang Direk.’ Kinausap ko na siya sa monitor nila eh. Eh kinut niya,” nakakalokang rebelasyon ng dalaga tungkol sa eksena nila ng kapartner.
Pero kung titingnan mo ang love team ng dalawa na nagsimulam sa super hit movie na “Always Be My Maybe”, na unang pelikulang pinagsamahan nila ay bagay sila on screen at bagay din sila off-camera as friends dahil nakuha nila ang tamang timpla ng tunay na “friendship” reason na hindi na sila nagkakahiyaan sa mga eksena nila.
Reyted K
By RK VillaCorta