HINDI NA BAGO kay Arci Muñoz ang TV hosting. No’ng nasa GMA-7 pa kasi siya, na-experience niyang mag-host sa Starstruck na in-enjoy naman daw niya. Kaya nga excited daw siya na masabak ulit sa hosting kasama sina Alex Gonzaga, Danita Paner, at JC de Vera sa bagong musical variety show ng TV5 na mapapanood every Saturday, 11:30 AM. Kasama nila rito ang mga baguhang youngstars na ginu-groom ngayon ng Kapatid Network.
Para talaga siyang isang nagbabagang bulaklak. Flaming ang kanyang beauty. Pero sa kabila ng ganda’t kaseksihan niya, nakapagtatakang zero ang kanyang lovelife sa ngayon. Walang napapabalita ni isang man lang na nanliligaw sa kanya.
“Wala, eh,” nakangiting reaksiyon lang ni Arci. “Wala muna. Career muna. Priority ko kasi ang aking career. And ang mga trabaho… ang dami-daming magagandang opportunities na dumarating.
“So hindi mo puwedeng balewalain ‘yon, ‘di ba? Hindi puwedeng paghaluin. Ang hirap.”
Hindi ba sila napi-pressure na ang katapat at binabangga nila ay ang Showtime na isa sa mga top-rating shows ng ABS-CBN?
“Hindi naman kami nakikipag-compete sa Showtime. This is not a popularity contest. Basta kami, we know that we are doing our best. We’re doing our job. And nag-i-enjoy kami. That’s what matter most. Iyon ang importante.”
She’s one of the prettiest and sexiest actress nowadays. Is she open sa idea na mag-pose ng sexy sa isang mens’ magazine if in case may mag-offer sa kanya?
“Hindi ko pa masasabi sa ngayon. Hindi ko pa alam.”
Pero isang epektibong stepping stone ito para mas sumikat pa?
“Ayyy! Siguro ano ‘yan… marami namang ibang way muna, e. Hindi mo naman puwedeng i-rush talaga lahat ng bagay. Mas maganda ‘yong slowly but surely. ‘Di ba?
“’Yong mga sexy-sexy na ‘yan, hindi ko pa talaga mapagdesisyunan. Hindi pa sa ngayon kasi very strict talaga ang parents ko.”
Pero kung sakali, ano ba ang mga kundisyones na kailangan para ma-convince siya?
“Siguro kung maganda ang lay-out. Maganda ang peg. At ‘yong mga involved sa photoshoot ay mga pinagkakatiwalaan kong tao. And I’m spiritually and physically ready. ‘Di ba?
“Na… I consulted my parents. And they agreed upon it kung ano ‘yong mga nailatag na mga plans.”
How about portraying sexy roles?
“Depende kung gaano ka-sexy. May limitations ako. Sa Nagbabagang Bulaklak nga, kamison lang, hirap na hirap silang ipasuot sa akin.
“Hindi ko rin kayang mag-two-piece. Alam mo ‘yong may scene nga ako sa Bulaklak na nakita ‘yong tiyan ko, umiyak ako.”
Hindi ba isang kaartehan na ‘yon lang, iniyakan na niya?
“Kasi ‘yong costume ko (sa tagpong naging dancer siya sa club), kita ang tiyan. Eh, hindi ako komportable kasi ang feeling ko… ang taba ko. Kaya naiyak ako.”
Naloka siguro ang production staff at ang direktor nila?
“Hindi naman. Naintindihan naman nila. Kasi, before talaga kami magsimula, naintindihan ko. Na walang two piece. Walang tummy exposure.
“Kasi… alam mo ‘yong sa sarili mo feeling mo hindi ka pa ready? Na kung gagawin mo iyon, mukha kang tanga. ‘Yong gano’n?
“Kumbaga, hintayin n’yo na lang. Gagawin ko naman, ‘yon eh. Wait lang. ‘Pag ready na ako, sige. Walang problema diyan.”
Eh kung halimbawa, role ni Darna ang ialok sa kanya? Hindi lang basta labas ang tiyan kundi parang two-piece na ang costume na kailangan niyang isuot kapag nagkataon.
“Ay, paghahandaan kong mabuti ‘yon! Oo. ‘Di ba? Pagha-handaan kong mabuti. Yesss!”
Ano nga pala ang feeling niya na naunang umere for a couple of months ang Babaeng Hampaslupa ni Alex Gonzaga pero na-extend ito at naunang tinapos ang Mga Nagbabagang Bulaklak?
“No’ng una inisip ko rin ‘yon, eh. Eh kung wala nang ii-extend, bakit mo pa pipiliting pahabain?”
Oo nga naman!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan