Hindi nakapagtataka na binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang “Area” ng BG Productions International na nanalo kamakailan ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival.
Maganda at malinis ang pagkakagawa ng pelikula. Mahuhusay ang cast na pinangungunahan nina Ai-Ai delas Alas at Allen Dizon, pati na ng Kapampangan actors.
Deserve na deserve ng “Area” ang A na ibinigay ng CEB. Congratulations to Louie Ignacio na nagdirek ng pelikula.
Ang Area ay isang lugar sa Pampanga na pinupuntahan ng mga lalaking gustong magparaos. Sa mismong lugar ng mga pokpok nagsyuting ang cast at hindi na raw nila kinailangang mag-immerse pa dahil sa location pa lang, mistula na silang mga tunay na prosti.
It’s really a nice experience watching the film dahil maging ang amoy ng lokasyon ng pelikula ay mistulang nalalanghap din namin at kumakapit sa aming kamalayan. Very realistic ang mga eksena.
Ganu’n pala katindi ang ginagawa ng mga laos na prosti. Gagawin nila ang lahat maitawid lang ang araw-araw nilang pangangailangan. Kahit sino ay papatulan nila – bata, matanda, at kahit sardinas lang ang bayad ay game na sila. Masaklap na katotohanan.
Anyway, saludo kami sa cast ng “Area” at sa walang kiyeme nilang paghuhubad sa ilang eksena sa pelikula. Matapang ang pelikula na katulad din ng mga artistang nagsiganap dito.
La Boka
by Leo Bukas