EXCITED SI Ariel Rivera sa muli niyang pagbabalik ABS-CBN. Isinalang agad siya sa teleseryeng E-Boy bilang ama ng MMFF 2011 Best Child Performer na si Bugoy Cariño. “You know what, when I came back to ABS, natutuwa ako. Kasi, first day or first time na umapak uli ako sa ABS, I feel at home. Dito kasi ako, nagsimula. Ngayon I’ve been so blessed, our bosses giving me all this project. Not only project, wonderful project,” pagmamalaking sabi ng magaling na aktor.
Sa tono ng pagsasalita ni Ariel, tipong hindi na niya iiwanan ang Kapanilya Network kahit matapos ang two years contract sa nasabing network. “Like I’ve said, I feel home. This home is for me so, I’m happy to be here,” say pa niya. How does it feel na kayo nina Richard Gomez, Janice de Belen at Carmina Villaroel na dating magkakasama sa Kapuso Network ay Kapamilya na? “I don’t know… I know, they’re happy. I know my sister-in-law Janice is very happy. Lahat ng project she’s gotten, magaganda. She’s has another project coming-up which I cannot disclose but she’s happy. I know Carmina is happy kasi, best friend ni Gelli (de Belen). Nu’ng nag-usap sila, sabi niya, ‘I’m returning to 2 channel’,” masayang kuwento niya.
Is there any plans na i-convince ni Ariel ang asawang si Gelli na magbalik-Kapamilya? “Kanya-kanya naman ‘yan. Hindi natin alam kung ano ang landas natin. Wherever she’s happy… Right now, she’s happy. She got’s the meaty role and the others… ‘di ba? Mga ka-edad niya ‘yun. Ngayon, ‘yung mga meaty roles nandu’n sa kanya sa kabila.”
May balitang tatapusin muna raw ni Gelli ang kontrata niya sa GMA-7 and eventually lilipat na rin ito sa Dos para magkasama na sila sa iisang network, how true? “Ayaw kong magsalita baka ma-quote ako baka maging negative sa asawa ko ‘yun. Like I’ve said, she’s happy where she is. I’m happy where I am, ‘yun,” depensang wika ng aktor.
Inamin ni Ariel na napag-uusapan nila ni Gelli ang palipat-lipat ng mga artista sa iba’t ibang network. Natural lang naman daw ‘yun, kung ikabubuti ng bawat aktor. “Not really, we talked about the project we’re given, not so much the contract. You know, sometimes the contract did not help you. Sometimes it’s help you, hindi naman lahat ng contract is positive. Sometimes, it tights you down. Sometimes, wala ka nang magawa,” aniya.
Sobrang happy si Ariel sa naiibang project na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya kaya’t wala siyang regrets sa ginawa niyang paglipat sa Dos. May tsika ngang may naka-line-up agad siyang movie project sa Star Cinema. “One hundred ten percent, great decision for me. May nagsabing mayroon nga raw pero wala pang final. Si Malou (Santos) mention it to me nu’ng presscon ng “Maalaala Mo Kaya” pero wala pang pormal na sinasabi.”
Ikinuwento ni Ariel ang matinding eksena niya sa E-boy. Nang ma-aksidente ang anak niya sa isang car accident at namatay ito. Ayaw niyang ma-experience ‘yun sa tunay na buhay. Hindi niya kakayaning mawala ang mga mahal niya sa buhay. “In terms of experiences sa set na ginawa namin. I don’t want to experiences the lose of a child. I don’t know, but that’s something I don’t want to experience. When you loose a child that’s very emotional. I don’t think, time will heel that kind of wound,” pahayag nito.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield