Ariel Villasanta: Karakter talaga niya ang inaarte

WHOAH! ISA PANG alagad ng komedi ay si Ariel Villasanta. Siya rin si ‘Perfecto’ or ‘Pekto’ ng Iskul Bukol noong dekada ‘70 na ini-ere noon sa IBC-13 network.  Ang role niya roon ay isang estudyante at isang part-time waiter ng Mang Temi’s canteen at isa siyang ‘punk-rocker’ kung manamit noon.

Sa bagay, nauso naman noon ang mga rock ‘en roll. Men! Sa kapanahunan ng kasikatan ng Iskul Bukol, isa ako sa mga tagahanga nito lalo na ng Escalera Brothers ng Wanbol University. Minsan may hikaw siyang mahaba at naglalagay ng speaker na ikinakabit sa kung saan sa katawan. Oh, naaalala na ninyo siya? Iba talaga ito noon mga ‘katsokapap’, mga ‘karantso’ at mga ‘kaparatsi’.

Noon pa man, makikita na ang kanyang pangarap na maabot ang anatomiya ng talento sa pag-arte. Kamakailan lamang ay inilunsad ang Maverick and Ariel, na sumikat naman bilang reality show at doon isinilang ang Mommy Elvie’s Problematic Show. Nitong huli ay sa GMA News naman ‘yung Mommy Elvie@18.

Ito ang kanyang pahayag, “Simple lang talaga ako. Hilig ko, ang gusto ko ang makagawa kami ng malupit na pelikula ng mommy ko rito sa GMA Films.”

Bukod ba sa pagiging artista, ano pa ang naging hilig mo? “Ah kasi, simple lang talaga akong tao. Talagang hilig ko lang ang magpasaya at magpatawa.” At maganda aniya ang susunod pa niyang mga episode na mga gagawin.

At sa sipag nga naman ng taong ito, may trabaho na sa PLDT bilang Corporate Consultant ay isa pa siyang Producer ng AV ‘Ariel Villasanta’ Productions. Wow naman ha! Heavygats itong si Ariel!  “Noon, pa-ngarap lamang namin ni Maverick ang sumikat at magkaroon ng billboard sa Edsa. Uuwi nga ako sa bahay, tatanungin ko ang mommy ko, ‘may tumawag bang mga producer d’yan?’ Nayayabangan nga ‘yan sa ‘kin… ‘yun bang trying hard ako na feeling sikat. Ganu’n! So, ang karakter ko talaga ‘yung sikat, na feeling sikat. Hanggang sa tinawagan kami ng may-ari ng Iskul Bukol. Dapat kami ni Maverick ang papalit sa Escalera boys at gagawa sila ng Iskul Bukol Forever.”

Sayang aniya, hindi natuloy dahil nasa TV5 na sila noon. “Pero sayang ‘yun, gusto namin, ‘yung Escalera boys  TITO, VIC & JOEY, ‘yung tipong kami talaga ‘yun. Kailangang kuha mo ang karakter nila, hindi p’wedeng blangko at usap-pogi lang. Wala kaming script noon. ‘Yung sa amin kunwari, nag-usap kami ni Maverick na walang mga script. Nagkaroon kami ng award. So, nakakatuwa lang ‘yung wala kaming script.”

Sa hosting naman kung sakali, gusto niyang makasama sina Amy Pe-rez at Pia Guanio. Sa bagay hindi na malayong maabot niya ito. Dahil ang arte ay may malayang konsepto ng anatomiya ng arte, na walang katapusang horizon and vision.

At ano ang ayaw niya? “’Yung may kabastusan na jokes na sa huli ‘pag wala nang mahagilap ay biglang last joke.” Sabagay, inamin niya sa ‘kin na sensitibo siyang tao pagdating sa pakikialam sa isang bagay na mahalaga sa kanya. At tila may kurot na pagtatampo samantalang mahal niya ang kanyang trabaho bilang comedian.

Aniya, “Ay! Dahil lamang sa isang grupo inalis kami sa kabila.” Masyado itong personal at ayaw niyang magbanggit ng pangalan. “At kung maaari nga, gusto niya itong makatrabaho kaysa siya na lang ang laging makikita at pagsasawaan siya ng mga tao,” ang pagtatapos ng comedian.

Sa bagay, dapat ang mala-yang pagpapahayag ng sining ay hindi mahaluan ng pulitika upang makita ito sa bintana ng malawak na kabihasnan ng arte. Nak’s!

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; cel. no. 09208534394; e-mail: [email protected], [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net

By Maestro Orobia

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleGabi ng mga Wagi sa PMPC Star Awards for Movies
Next articleKaya nagtatago na… Princess Ryan, Tumataba!

No posts to display