Ariella Arida pinangalan ang Top 3 niya sa 2021 Miss Universe Philippines

Leo Bukas

TATLO sa mga kandidata ng 2021 Miss Universe Philippines ang personal favorite ni Ariella Arida para mag-uwi ng korona sa coronation night sa September 30, 2021. Ayon sa 2013 Miss Universe 3rd runner-up, malakas ang laban ng representatives ng Mandaluyong, Taguig at Cebu.

Ariella Arada

“I love this girl from Mandaluyong – Maria Corazon Abalos. Sobrang Pilipina-looking niya. I love her beauty kasi, eh, Pinay na Pinay,” lahad ng beauty queen turned actress.

Maria Corazon Abalos is a 23 year-old Filipino beauty queen representing Mandaluyong. Graduate siya ng kursong International Studies sa De La Salle University. Anak si Corazon ng dating mayor ng Mandaluyong at ngayon ay MMDA Chairman na si Benhur Abalos.

Patuloy ni Ariella, “I also like Katrina Dimaranan. Well, my take lang kasi if tuloy yung Miss Universe this December hopefully they would send someone na reding-ready na lumaban kasi parang it’s gonna be like two or three months preparation na lang.”

Katrina Dimaranan is a Filipino-American model, actress, television personality, and beauty pageant titleholder who was appointed as Miss Supranational USA 2018. Naging representative siya ng United States sa 2018 Miss Supranational.

Isa pa sa personal bet ni Ariella ay si Steffi Rose Aberasturi ng Cebu.

“Naggu-grow kasi siya sa akin. I love her karisma, she’s always smiling and you can feel the confidence,” pagde-describe naman niya sa Cebuana beauty.

Si Steffi Rose ang nag-top sa Miss Universe Philippines runway challenge.

Kapansin-pansin naman na wala sa personal choice ni Ara ang iba pang early favorites na sina Maureen Wroblewitz at Kirsten Danielle Delavin. Si Maureen ay previous winner ng Asia’s Next Top Model na representative ng Pangsinan samantalang si Kirsten na kilala rin bilang Kisses ay former PBB housemate na taga-Masbate.

Samantala, bilib din si Ara sa batch ng aspiring beauty queens na kasali ngayong taon.

Ariella Arada

“Kung ako yung sasali ngayon at kung ako yung nasa batch ngayon sobrang ang hirap. Hindi ko kakayanin with the pressure of social media and then pandemic pa. Tapos they have to do all these photo shoots, so what if wala akong budget? Ang hirap for girls ngayon,” reaksyon ni Ara.

Nakiusap si Ara na sa halip na i-bash ang mga candidates ay dapat daw na ipakita na lang ang suporta sa mga ito dahil hindi madali ang kanilang pinagdadaanan ngayon.

Aniya,  “I would always tell na sana yung mga supporters will also be kind to these girls, our aspiring queens. Kasi hindi ganun kadali yung pinagdadaanan nila physically, mentally and emotionally.”

Anyway, kasama si Ariella sa pelikulang Sarap Mong Patayin written and directed by Darryl Yap at  pinagbibidahan ng komedyanteng si Lassy Marquez.  Mapapanood ang pelikula sa Vivamax simula sa October 15. 

Previous article“SING GALING” NG TV5, TAMPOK ANG CELEBRITIES SA BAGONG SEASON
Next article‘To Have and To Hold’ nina Carla Abellana, Rocco Nacino at Max Collins mapapanood na sa GMA

No posts to display