NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.
Ito mismo ang kinumpirma ng bagong tatag na film production house na kanyang pagmamay-ari na Feelmaking Productions Inc. sa pamamagitan ng official Facebook page nito.
“Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing,”
Ayon sa production house, mutual decision ni Arjo, ng kanyang pamilya at ng mga doktor na lumuwas na sa Maynila mula Baguio City (kung saan sila naka-lock-in taping para sa bagong pelikula) para isugod ang aktor sa ospital dahil may pre-existing medical condition ito.
Sinabi rin ng production house na magbibigay sila ng medical assistance sa siyam pang kasamahan na nagpositibo rin sa COVID-19. Sila ay asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine.
Dagdag pa nila na nakikipag-ugnayan na sila kay Baguio City Mayor Benjamin Magalang at gagawin ang lahat para ma-assure ito na sila ay magcocomply sa strict protocols na pinapatupad sa Siyudad.
“We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.”
Humihingi rin sila ng dasal para sa mabilis na paggaling ni Arjo Atayde at ng siyam pang kasamahan na ngayo’y nakaquarantine.
Pagaling kayo, Arjo Atayde and Team!