BLIND ITEM: Hay, nako… hindi talaga kami makapaniwala. At lalong hindi kami maka-move on sa nabalitaan namin. Paulit-ulit pa nga kami sa aming kausap, eh. “Ano, ‘yung yaman niyang ‘yon, baon pa sa utang ngayon? My goodness!”
Hindi muna kami magbibigay ng clues. Basta isa sa mga umubos ng “kayamanan” ng taong ito ay ang kanyang “pambababae”.
Akala ko ba, eh….
BLIND ITEM uli: Nag-ring ang aming telepono. A friend from the province ang kausap namin, “Juice ko, Ogs, nanonood lang kami ngayon. Naalala ko na naman ang sama ng ugali ng batang ‘yan nu’ng sila pa ni ______ (isang young actor).
“Kumain sa bahay namin ‘yan, nu’ng sila pa ang mag-boyfriend. Tapos, all throughout, ayaw kumibo, hindi nagsasalita, parang wala sa mood. Kakain ka, naka-shades ka pa at hindi ka man lang ngumingiti.
“Tapos, ayaw pang magpa-picture-taking with my kids. Right after eating, alam mo ba, dire-diretso siya sa van niya. Gano’n lang, Ogs. Sinumbong ko nga sa ate niya, eh. Ba’t gano’n naman ang kapatid niya?
“Pasensiya na raw at wala sa mood.
“Alam mo, Ogs, ‘yung kalabtim na lang niya ang sumalo sa kanya. ‘Yun ang nagpa-picture. Kaya nu’ng naghiwalay sila, siyempre, kinampihan namin ng family ko ‘yung lalaki, dahil nga ‘yung simpleng gesture nga sa ibang tao, ganyan ka? Malamang, siya ang may kasalanan kumbakit sila nag-split!”
Na-high blood na talaga ang friend namin, kaya raw everytime makikita niya raw ito sa TV at nagpapa-sweet, sumisigaw siya ng, “Ang plastik mo, ‘Day!”
PANGARAP NI Arjo Atayde na makasama sa isang teleserye ang kanyang inang si Sylvia Sanchez at hindi nga alam ni Arjo kung kakabahan siya o hindi, dahil nanay niya ang kaeksena niya.
“Siyempre, Ogs, wala namang nanay-nanay ‘pag eksena. Unless, mag-ina ‘yung character namin. Saka pare-pareho kaming actors sa scene, kaya galingan niya.
“Naniniwala naman ako sa anak ko na kaya niyang umarte kahit nanay pa niya kaeksena niya, eh.”
Pero si Arjo talaga ang looking forward to work with his mom. Actually, sana nga raw, after Dugong Buhay ay makasama na niya sa susunod ang mom niya.
So far, natutuwa naman si Arjo dahil sa good reviews sa acting niya sa Dugong Buhay.
“Kahit inaabot kami minsan ng 6 or 7am, okay lang. Hindi ako nagrereklamo. Kasi, gusto ko talaga itong pag-aartista, eh. Kaya ayokong maging pasaway sa set!”
Meron bang pasaway sa set, Arjo?
Inintriga pa raw namin, o!
ANO RAW ang masasabi namin sa pagpapalit ng anyo ni Charice Pempengco since nakaaway raw namin silang mag-ina nu’ng araw?
Una, kinalimutan na namin ang away na ‘yon at move on, move on din ‘pag me time.
Pangalawa, si Charice na ang nagsabi, masaya siya sa pag-a-out niya at happy rin siya na tinanggap at inunawa siya ng supporters niya.
Hindi naman natin maibibigay ang personal niyang kaligayahan, kaya sino tayo para husgahan ang “choices” niya sa buhay?
Saka kung ready naman si Charice na harapin ang “panibagong pakikipagsapalaran sa buhay” whether aani siya ng raket or hindi eh, dahil ‘yun sa resulta ng kanyang happiness.
Raket lang ‘yan. Pera lang ‘yan. Pero iba pa rin ‘pag nandu’n ang kaligayahang personal at emosyonal.
Kaya alam na.
Oh My G!
by Ogie Diaz