ANG MANGGANG hilaw, dapat kapartner ang ginisang bagoong alamang. Ang dinuguan, dapat may katambal na putong puti. Parang ganito maihahambing ang mga tauhan ng top rating action serye na Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, kung saan ang nagko-kontrabida sa karakter ni Coco ang magaling na aktor na si Arjo Atayde.
Regular viewer ako ng action serye, pero hindi ko inaasahan na magiging tamang timpla pala ang magiging tambalan nina Coco at Arjo.
Swak si Arjo bilang kontrabida kay Coco na pagngingitngitan mo si “Joaquin” (ang karakter ni Arjo na sa simula pa lang ng serye, may malaki nang galit at inggit kay Cardo).
Akma lang marahil na si Arjo ang pinili ng Dreamscape Entertainment to play the character of Joaquin na sa mga artista ng Kapamilya Network, lalo pa’t fresh na fresh si Arjo as an actor at marami na ring napatunayan sa mga previous projects niya tulad sa MMK at sa nakaraang serye na Pure Love, tama ang timpla nila ni Coco.
Si Coco naman na sa panimula ng kanyang career ay alam ko na magaling at lalong humuhusay. Si Coco, para siyang local version ni Dustin Hoffman o ‘di kaya’y ni Robert de Niro kung galing din naman ang pag-uusapan.
Reyted K
By RK VillaCorta