MAY DALANG ‘kilig factor’ na hatid ng love story ng pagtatambal nina Arjo Atayde at Kiray Celis ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya (MMK). Isang kakaibang love story ng isang guwapo at tisoy na lalaki na gagampanan ni Arjo na umibig nang lubusan sa isang hindi kagandahang babae na gagampanan naman ni Kiray.
Kung saan ipakikita ng dalawa sa episode na ito ang tunay na pagmamahal ng dalawang taong nag-iibigan at hindi balakid kung ano man ang hisura ng karelasyon. Marami nga raw ang kikiligin dito dahil bukod sa lambingan ay hahalikan dito ni Arjo si Kiray.
Ito raw ang kauna-unahang pagkakataong pumayag si Kiray na pahalik sa labi on screen at kahit nga raw of screen, ito rin ang kanyang firts kiss at ito ay galing pa sa guwapong si Arjo.
Bukod sa kilig factor, ipakikita nina Arjo at Kiray rito ang kanilang galing sa pag-arte lalo na’t maraming madramang eksena ang episode na itong kanilang pagsasamahan.
NGAYON PA lang ay nagre-ready na for another album ang GMA Diva na si Jonalyn Viray after mag-hit ang kanyang album at song na “Help Me Get Over” na siyang themesong ng hit beki-serye ng GMA-7 na My Husband’s Lover.
At ilan nga sa mga gusto nitong maka-duet sa kanyang next album ang kanyang mga paboritong singer mula kina Regine Velasquez, JayR, Kris Lawrence, atbp.
“Siyemmpre sila Ate Regs (Regine Velasquez ), sa mga lalaki naman po sina Kuya JayR, Kris Lawrence… kasi fan nila ako. Sobrang nagagalingan ako sa kanila at nagagandahan ako sa boses nila talaga.
“Gusto ko rin si Aljur bilang lagi siyang best performer sa SAS (Sunday All Stars), sana maka-duet ko rin siya sa album.
“Natatandaan ko rin ‘yung sinabi ni Alden na gusto niya akong makasama sa concert. Kaya Alden, sama ka na rin sa album ko. Hahaha!”
Happy rin daw ito dahil bukod sa mga babae at lalaki na nagkagugusto sa kanta niya, maraming beki na kinakanta ‘yung song niya.
“Mostly talaga at listeners ng song ko nasa bading, kasi nga naging theme song ng My Husband’s Lover. Tsaka sa panahon ngayon, sobrang wide ng market ng LGBT community, kaya nagpapasalamat din ako sa suporta nila sa song ko.
“Pero nakatutuwa rin na sa Twitter ko, Instagram at Facebook, hindi lang mga bading , kung hindi mga girls and boys na naka-experience ng ganu’ng relasyon,” pagtatapos ni Jonalyn .
VERY HONEST ang bida ng indie film na Mga Alaala ng Tag-ulan ni Ato Bautista at isa sa entry sa inaabangang Cine Filipino Film Festival na si Akihiro Blanco na ang kanyang leading lady rito na si Mocha Uson ang first kiss niya, hindi lang sa showbiz, kundi sa pati sa totoong buhay.
Batang-bata pa raw kasi noong magkaroon siya ng first girlfriend kaya walang nangyaring kiss. Kaya naman daw pag-amin nito na si Mocha raw ang nagturo sa kanyang humalik.
“Grade six pa lang po ako noon, parang puppy love lang, ganu’n. So, bale si Mocha po talaga ‘yung first kiss ko.”
Nadala ba siya sa halikan nila? “Nadala? Actually, oo, kasi lalaki ako, eh! Actually, pasok ako sa character ko rito, eh. Kasi ‘yung character ko rito, virgin po ako. Halimbawa, hinalikan ako ni Mocha, siya propesyunal kumilos, ako parang hindi gumagalaw ‘yung labi ko.”
So, ngayon ba marunong na siyang humalik? “Oo naman!” sabay tawa ulit nang malakas. “Nakapag-praktis na po. Pero trabaho lang po lahat sa amin.” Pagtatapos ni Akihiro.
John’s Point
by John Fontanilla