HINDI MAIIWASAN na marami ang maiingit sa sitwasyon ng anak-anakan naming si Arjo Atayde. Masisisi mo ba siya kung tunay na magaling siyang artista?
Naging malaking isyu kasi ngayon at usap-usapan na tila ginagapang ng kung sino mang konesyon ng binata sa loob ng ABS-CBN para muli ay siya na naman ang bida sa kuwento ng MMK sa darating na Sabado, December 6, tungkol sa isang religious priest na nagkarelasyon sa kanyang parishioner played by Yen Santos na minsan na ring nakasama ng aktor sa Pure Love.
Marami kasing mga manager ang umaangal. Bakit si Arjo again for the 3rd time ang bida sa MMK, na lahat ng mga baguhang artista at nangangarap na magkaroon din ng sarili nilang eksena sa naturang drama anthology ni Ms. Charo Santos.
Masisisi mo ba kung sa unang salang sa kanya sa MMK two years ago sa episode na “Bangka” tungkol sa mga batang mag-aaral sa isang isla sa Masbate na namamangka pa para marating ang kanilang eskuwelahan ay pinahanga ng binatang aktor ang marami, even senior stars like Divina Valencia, Mel Kimura or even Aiko Melendez, na dahil sa naturang episode he won his first acting award from the PMPC Star Award.
Recently he was named Best Actor in a Single Performance sa 28th PMPC Star Awards for Television for his stunning performance as a gay transvestite sa episode na “Dos Por Dos”.
Two great MMK performances that gave him two acting awards as an actor. Sino ang hindi matutuwa lalo pa’t dala-dala ni Arjo ang pangalan ng MMK .
Balita ko, ang daming talent managers ang nai-insecure sa estado ngayon ng baguhan, the fact na ang iba sa kanila ay mas nauna pa ang career sa showbiz kaysa kay Arjo.
Alam ko, bukod sa suwerte at timing sa panahon na mabibilang mo lang ang mga magagaling at nauna na sa kanya na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz , Dennis Trillo, Coco Martin, hindi mo matatawaran ang kagalingan ni Arjo bilang isang mahusay na aktor na kung ano man ang estado niya ngayon sa showbiz, pinagtrabahuan niya ito.
Arjo is not just another good-looking guy in showbiz. Hindi naman sa pagmamayabang porke’t anak namin siya, when you mention Arjo’s name it is synonymous to a good performance in every role he portrays.
Reyted K
By RK VillaCorta