BLIND ITEM: Hindi sa minemenos namin ang lalaking ipinalit sa kanya ng kanyang asawa, pero isang malaking insulto para sa pulitikong ito (na tumatawid din paminsan-minsan sa showbiz) na isang dancer ang kanyang karibal.
Matagal nang usap-usapan ang kanilang stormy marriage, isang dancer ang itinuturong third party kaya nag-alsa-balutan si misis leaving behind their children now under the custody of the politician. Pero ang maugong na tsismis noon tungkol kay misis at sa boypren nito ay lantaran nang ipinagmamalaki in public.
Sayang, it took a while before the couple became blessed with their kids, at kung kelan kailangan nilang pag-ibayuhin pa ang kanilang pagsasama ay naunsiyami sa “pagluluko” ng esmi. Ano kaya ang masasabi ng umano’y hen-pecked politico famous for his verbose language?
HINDI NA iba sa amin ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez, this couple have been our friends from way back. Kaya naman ang paghingi ni Ibyang ng suporta para sa kanilang 21-year old son Arjo Atayde ay hindi namin ipinagkait sa mahusay na aktres.
Arjo, an alumnus of La Salle Greenhills, is a virtual showbiz upstart. Nitong February lang siya this year pumalaot sa mundong niyakap ng kanyang ina for many years. Arjo auditioned for the now-defunct Eboy, got a meaty role and earned the admiration of veteran actors like Pen Medina.
Genetics, no doubt, has a lot to do with. Bata pa lang daw ang Art Atayde-look-alike na ito ay nakatutok na siya sa soap opera na Esperanza. Little did his parents know that while silently watching, tinatandaan ni Arjo ang ilang striking lines ng mga bidang aktor na gumaganap doon. He would later isolate himself in one part of their residence, at du’n niya inaarte ang kanyang napanood.
His mom Sylvia later validated Arjo’s confessions. Puring-puri nito ang anak who comes with a total package as far as his talents are concerned. “Mahusay siyang umarte, mahusay siyang sumayaw, marunong din siyang kumanta. Ako nga noon sa Regal (she was introduced in the movie Student Body along with Maritoni Fernandez and Maita Soriano during the early 90s), distorted na ang mukha ko, hirap pa rin akong umiyak. May luha nga, pero patak lang, hirap ko pang patuluin,” balik-tanaw ni Ibyang.
A contractual artist of Star Magic, anytime this week ay ikakasa na ang next TV assignment ni Arjo sa ABS-CBN, but here’s wishing he and his mother appear in Maalaala Mo Kaya? together.
Now in his third month in showbiz, kinakikitaan na ng focus at seriousness si Arjo, owing it to the lessons from his mother. At huwag ka, Arjo is gay-friendly: “Eh, paano naman po kasi tito, I practically grew up with gay people around me, mga kaibigan po ni mommy.”
ISA NA namang heart-to-heart thought of the day ang iiwan ng episode ngayong Miyerkules ng Face To Face: “Huwag kang kukuha nang hindi sa iyo dahil sa paglipas ng panahon, ang inagaw mo ay babalik din sa tunay na may-ari.” Nagsilbing aral para kay Neil ang malaking pagkukulang sa kanyang asawang si Ruth nang mawala siya sa piling ng kanyang mag-ina sa loob ng 13 years. Kuwentong pinamagatang Ama Labintatlong Taong Nawala Ang Anino Sa Kanyang Mag-ina Dahil Kinidnap Ng Ibang Babaeng Nabuntis Niya!, paanong nakatitiyak na muli rin siyang babalikan ni Ruth gayong meron na itong ibang kinakasama?
Temang pagtataksil din ang buod ng episode ng Face To Face bukas, Huwebes, na pinamagatang Hindi Na Nagpakita Ang Mister Kong Namamasada, Ibinahay Pala Ang Babaeng Sa Jeep Ay Mahilig Sumampa! Natuklasan ni Yolly na ibinabahay ng kanyang asawang si Bong ang madalas na sumasampa sa ipinapasadang jeep nito na si Nicole. Pero may isang nakakawindang na rebelasyon nang lumantad ang anak nina Bong at Yolly na si Jack na hindi kinaya ng powers ni Tyang Amy Perez na hinimatay nang bonggang-bongga!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III