HINDI LANG pala mahusay umarte si Arjo Atayde, kundi magaling din pala itong sumayaw at kumanta nang mapanood namin ito sa fund-raising show ng Philipine Movie Press Club (PMPC) last Saturday night lang sa Zirkoh Tomas Morato sa Quezon City.
Biniro pa namin sa dressing room si Arjo bago ito mag-perform na grabe ang dami ng tao sa audience, gaya ng sa unang mall show ng kanilang teleseryeng Dugong Buhay recently sa Robinsons Dasmariñas, Cavite kung saan kinabahan, nanlamig at parang ayaw lumabas daw ng boses ng batang aktor bago lumabas ng stage, dahil sa ‘di magkamayaw at mga nagtitiliang na supporters nila na tila magkaka-stampede sa dami.
As expected, nagtayuan, naghiyawan at nagte-take ng pictures at video ni Arjo ang mga nanood ng fund-raising show ng PMPC nang handugan sila ng sayaw at acapella song ni Arjo na sobrang ikina-overwhelm nito.
Ganon din ang pagtanggap ng mga tao ng lumabas at kumanta rin si Janella Salvador.
Lalo namang nagkagulo sa ligaya ang audience ng hinaranan sila ng apat na awitin ng sikat na sikat na si Richard Yap a.k.a. Ser chief! Dapat sana ay tatlong kanta lang ang kakantahin ni Richard pero sa sobrang saya nito sa pagsuporta sa kanya ng kanyang mga tagahanga ay hinandugan pa niya ang mga ito ng isa pang kanta.
At habang kumakanta si Ser Chief, inaabutan pa siya ng mga regalo ng kanyang mga fans.
Sabi ng isang staff ng zirkoh comedy bar na nakausap namin ay alas-kuwatro pa lang daw ng hapon ay marami nang fans ng sikat na aktor ang nakapila sa labas.
Halos hindi nga makalabas ng dressing room si Ser Chief pabalik ng kanyang sasakyan sa dami nang taong nag-aabang sa kanya sa labas para makita siya nang malapitan at makuhaan ng litrato.
Franz 2 U
by Francis Simeon