Happy kami at ang effort ng anak-anakan naming si Arjo Atayde ay nagkabunga na rin sa wakas.
Yes, happy ang kaibigang Sylvia Sanchez at ang mister niyang si Papa Art Atayde sa pagkapanalo ni Arjo last Sunday (August 24) evening sa ginanap sa Crown Plaza Hotel sa Ortigas, kung saan hinirang si Arjo as PEP 2016 Teleserye Best Supporting Actor.
Kuwento nga ni Ibyang (tawag namin sa aktres) sa amin, pursigido si Arjo sa kanyang pinasok na mundo ng pag-arte.
“Nakatatuwang isipin na ang lahat ng hirap niya sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” ay nagkabunga rin,” kuwento ng ina.
Dahil sa trabaho ni Arjo, ang dedikasyon niya sa kanyang pinasok na mundo ng pag-arte, kahit kulang sa pahinga sa halos araw-araw na taping, walang angal ang binata sa kanyang commitment sa aksyon-serye niya, kung saan nakilala siya ng masa as the “bad policeman” na si Joaquin.
“Halos hindi na kami nagkikita n’yan sa bahay. Kahit weekends na family day, kung minsan hindi na siya nakadadalo sa family dinner namin with Art’s family,” kuwento ni Sylvia sa amin kamakailan.
Anyway, noon pa man, kahit nagsisimula pa lang si Arjosa showbiz, nakitaan ko na siya ng kanyang passion sa pag-arte.
Alam ko, walang makahahadlang sa actor sa mga pangarap niya na balang araw ay makakamit din niya ang “Best Actor” award na kanyang inasam-asam.
If my memory serves me right, ang first award ni Arjo ay mula sa PMPC Star Awards for Television noon as Most Promising Male Actor sa kaliwa’t kanang magagandang performance niya sa “E-Boy” (ang una niyang teleserye) at ang pagganap niyasa “MMK” episode na “Bangka”, kung saan as a newbie ay puring-puri si Arjo ng mga kritiko at maging ng mga taga-showbiz.
Reyted K
By RK VillaCorta