Arjo Atayde, nasasapawan si Ejay Falcon!

MARAMING HUMANGA sa galing umarte ng Star Awards For Television 2012 Best New Male TV Personality na si Arjo Atayde sa kauna-unahang pagbibida/kontrabida nito sa ABS-CBN soap na Dugong Buhay with Ejay Falcon na bida rin sa nasabing soap.

Happy nga raw si Arjo sa kanyang role sa serye, dahil very challenging ito at first time niyang gagawin ang mag-bida /kontrabida. Dream come true raw para sa mabait na binata ang proyektong ibinigay sa kanya ng Dos. Kaya naman daw lubus-lubos ang pasasalamat nito sa mga ehekutibo ng ABS-CBN.

At kahit nga may mga nagsasabing mas mahusay at mas natural itong umarte kaysa kay Ejay, very humble na sinagot ito ni Arjo na pareho silang mahusay ni Ejay pagdating sa pag-arte, dahil pareho nilang ibinibigay ang 100% para mas lalong mapaganda ang kanilang soap. Bukod pa sa magkaiba raw sila ng istilong umarte kaya hindi sila puwede ipagkumpara.

Pakiusap ni Arjo na ‘wag na lang daw silang pagkumparahin ni Ejay, dahil kaibigan daw niya ito at ayaw naman daw niyang magkaroon sila ng gap nang dahil sa intriga. Lalo na’t maganda raw ang kanilang pakikipag trabaho sa isa’t isa at sa ibang cast ng Dugong Buhay.

 

MULA SA buena pamilya ang newest addition sa mga tinutulungan ni Atty. Ferdinand Topacio na si Loven Canon na graduate ng Nursing at mula sa kinikilalang pamilya sa Surigao.

At kahit nga ayaw ng kanyang father na pumasok siya sa showbiz, masinsinang kinausap daw nito ang kanyang ama para payagan siyang subukan ang mundo ng showbiz. Idolo raw ni Loven si Kris Aquino, ang galing daw nito sa pagho-host ang gusto nitong tularan.

Sobrang nagagalingan daw si Loven sa istilo sa pagho-host ni Kris, pero kahit na idol nito si Kris ay mas gusto raw nitong makilala sa kanyang sariling istilo ng hosting, iba raw kasi ‘yung may sarili kang identity.

Bukod sa hosting ay gusto ring subukan ni Loven ang acting, at mukhang hindi naman ito imposible sa maganda at napakakinis na newcomer, dahil malapit na raw niyang simulan ang isang indie film na isa siya sa bida na mula sa direksiyon ng mahusay na actor/host/director na si Cesar Montano.

Tsika pa ni Loven na magkahalong kaba at excitement daw ang kanyang nararamdaman, dahil mismong ang kanilang director na si Cesar Montano ang magpa-facilitate ng acting workshop nila bago mag-start ang kanilang shooting.

VERY SUCCESSFUL ang fund-raising dinner with Ladlad Party-List nominee Professor Danton Remoto last April 5 na ginanap sa Rembrant Hotel, Tomas Morato, Q.C. hosted by the controversial Atty. Ferdinand Topacio na sumusuporta sa Ladlad Party List at ng maganda at flawless na si Loven Canon.

Ilan sa naging espsesyal at naghandog ng awitin ang mahusay na actor/comedian na si Jon Santos na nag-ala Armida Siguion-Reyna na talaga namang pinasaya at pinatawa ang lahat ng mga taong naroroon. Habang marami namang kababaihan at kabadingan ang kinilig sa awitin ng tinaguriang Mr. Excitement na si Xavier Cruz na naghandog ng dalawang awitin.

Sumuporta rin at naghandog ng tatlong kanta ang Kapuso Star na si Barbie Forteza na nagpahayag ng 100% support sa Ladlad Party-List. Hindi naman nagpahuli si Atty. Topacio na nagbigay rin ng ilang awitin.

Bukod kina Barbie, Atty. Topacio, Xavier, at Loven, sumusuporta rin ang King of Talk Show na si Mr. Boy Abunda sa Ladlad Party-List.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleCristine Reyes does the ‘Nabunutan ng tinik’
Next articleGerald Santos, mas matured at mas inspired sa kanyang concert

No posts to display