NANG PUMASOK sa showbiz si Arjo Atayde, nangarap na itong makapagtrabaho sa Dreamscape Entertainment ni Sir Deo Edrinal. At ngayon nga, natupad ito kaya sobrang happy ng binatang anak nina Sylvia Sanchez at Sir Art Atayde.
Isinama si Arjo sa pagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre loveteam na On The Wings of Love, at siya ang lalabas na ka-love triangle ng dalawa.
Ayon kay Arjo nang i-offer sa kanya ang role ay kaagad nitong tinanggap ang project.
“Nu’ng sinabi sa akin ng Dreamscape, I already accepted it right away. Actually, one of my dreams, sa totoo lang. Kaya excited din ako to work, I’m excited din to work with each and everyone of course, new bonding, new family to be with for the next 3-5 months. One of my dreams actually is makakaeksena si Mr. Joel Torre, one of my biggest dreams and ‘yun nga, it’s about to happen.
“Of course, I’m excited to work also with James and Nadine. So, I’m really thankful to Dreamscape for giving me this opportunity. Everything is a blessing,” say pa ni Arjo.
NAGKITA-KITA SA isang pagtitipon ang mga season singers na walang puwedeng pumantay sa kanilang kasikatan para sama-samang kakanta ng isang awiting pinamagatang Peace na iaalay nila sa mga sundalong namatay sa Mindanao na Fallen 44.
Sa pangunguna ni Anthony Castello na naghikayat sa kapwa singer na magsama-sama sila para kantahin ang awiting kanyang nilikha na Peace para ialay sa Fallen 44, na ayon na rin mismo kay Anthony na nagpasikat ng maraming awitin at isa na riyan ang Balatkayo, Kaibigan, at iba pa, ayaw nilang tawaging Fallen 44 ang mga ito kundi Heroes 44.
Ayon pa kay Anthony, sumang-ayon na rin daw sumama sina Pilita Corrales, Rico J. Puno, at iba pang sikat na singers noon at ngayon.
Sa pagtitipon, nakita namin sina Boy Mondragon, Hebert Bartolome, at Darius Razon na nagtsika na magkakaroon siya ng birthday concert sa Zirkoh Tomas Morato on March 16 at magbabalik-tambalan daw sila ng dating ka-loveteam na si Rhodora Silva at si Geraldine para gumawa ng album.
FOR ALMOST one year, natapos na rin ang ipinatatayong bahay ni Sir Joel Cruz, ang binansagang Lord of the Scent na matatagpuan sa Sisa Street, Sampaloc Manila.
Sa Thursday, Chinese New Year, magaganap ang blessing ng mala-palasyong bahay ni Sir Joel na ayon na rin sa kapatid nitong si Sir Michael Cruz ay inihalintulad sa isang bahay sa Europe.
Grabe ang laki at ganda ng bahay. Lahat nga ng mga napapadaan sa lugar ay nagtatanong kung isang simbahan raw ba ang ipinatatayo?
Nang malaman na bahay ‘yun ni Sir Joel, napahanga ang mga ito at nangarap na magkaroon din daw sana sila ng tulad ng ipinatayong bahay ni Sir Joel.
Sina Manila Vice Mayor Isko Moreno, Governor Chavit Singson, Madam Imelda Marcos ang ilan lang sa magiging sponsor sa blessing ng bahay.
When asked kung bakit hindi inimbita si former President and now Manila Mayor Joseph Estrada?
Natawa si Sir Michael, dahil nag-aalala raw sila na baka hindi makarating si Mayor Erap dahil darating si Governor Singson.
Imbitado rin sa blessing ng bahay ni Sir Joel ang lahat ng naging endorser ng Aficionado Perfume na owned by Sir Joel.
Ilan sa mga celebrity na endorser ng Aficionado sina John Lloyd Cruz, Erich Gonzales, Dennis Trillo, Pauleen Luna, Charice Pempengco, at iba pang sikat na artista.
Magpe-perform ng kanilang awitin sina Gary Valenciano, Richard Poon, at Sitti. Unang maghahandog ng awitin si Sitti na susundan ni Richard, at pang-huli si Gary.
Sa mga imbitadong may dalang sasakyan ay may nakahandang parking sa mga ito.
Tatlong entrance ang puwedeng pagpasukan sa venue, una sa Retiro corner Sisa, ikalawa sa Makiling corner Sisa, at ikatlo sa Maceda corner Makiling.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo