MATINDI ang impact ni Arjo Atayde sa ginampanan niyang role sa pelikula ni Direk Erik Matti na Buy Bust na ipapalabas na sa darating na, Wednesday August 1 na maglulunsad kay Anne
Curtis bilang isang action star.
Pero sa kaso ni Arjo, pinaguusapan pa rin after the preem last Monday night ng mga nakapanood ng pelikula ang bago at kakaibang pag-atake at interpretasyon ng actor sa kanyang role.
Bukod sa hitik sa aksyon ang pelikula sa mga nakakahapo (mas matindi daw sa pelikulang OJT nina Gerald Anderson, Joel Torre, Joey Marquez at Richard Gomez); higit sa lahat ay mainit na topic ang ibang klase ng pagka-kontrabida ng aktor ayon sa mga nakapanood.
Sabi sa isang nag-comment online: “He is the local Sean Penn or Johnny Depp in 2 years’ time,” na tunay na nakakataba ng puso dahil kita naman ang effort niya mula sa pagsisimula ng kanyang career at sa kasalukuyan niyang estado at respeto na natamo niya.
Sa mga hindi nakakaalam, 2nd choice lang si Arjo sa role niya sa pelikula na dapat daw ay para kay John Lloyd Cruz na idol ni Arjo noon pa man.
Kahit 2nd choice man si Arjo, siguradong hindi nagsisisi si Direk Erik at ang Reality Entertainment sa pagpili sa kanya to portray a very important role sa pelikula.
Ang mas bongga ay sa pagbabalik ni John Lloyd para umarte muli, why not a Lloydie and Arjo in a film project? Not a bad idea. Wagi ito!
Reyted K
By RK Villacorta