Arjo Atayde, the best daw ang kabaitan ni Coco Martin

Arjo-AtaydeTHE BEST! Sobrang bait, wala akong masabi.” Ito ang pahayag ni Arjo Atayde patungkol kay Coco Martin sa kanilang pagsasama sa seryeng Ang Probinsyano.
Dagdag pa ni Arjo, “Hindi siya nahihiyang, you know, he’s such a humble person na hindi siya nahihiyang sabihin sa akin, halimbawa after the scene, na sabihin sa akin na magaling ka. “If magaling ka, he will acknowledge you. Hindi siya nahihiya. Kaya sabi ko, may artista pa palang ganun.

“‘Di ba, lahat naman ng artista sa ABS, may certain friendly competition ‘yan? Kung leading man ka, hindi mo sasabihin sa leading man na ang galing mo.”

“Sabi ko, sobrang bait naman nito. Sobra. Tapos, nasa set pa kami, halimbawa, military. Hindi ako puwedeng mag-bend, e, ang layo ng wardrobe. Yuyuko si Coco at tatalian ang sapatos ko. Sobrang bait,” pagtatapos ni Arjo.

 

Bea-BineneBea Binene, happy sa magandang resulta ng first episode ng Legally B


HAPPY ANG
versatile teen actress na si Bea Binene sa magandang resulta ng kanyang produced show sa GMA NewsTV, ang Legally B.

Kaya naman daw mas inspired si Bea na mas pagandahin pa ang susunod na episode ng Legally B, kung saan ang next episode ay mapanonood ang kanyang mga kabigang sina Derick Monasterio at Kristoffer Martin.

Bukod pa ang pagpapakita ng araw-araw na preparations para sa nalalapit nitong debut sa Nobyembre.

Chester-ChuaChester Chua, ikinukumpara kay Alden Richards

 

ISA SA talaga namang tinitilian sa Bee Happy Go Lucky ang YouTube variety show ng SMAC Productions ay ang guwapitong Tsinito na si Chester Chua at tinaguriang Mr. Dimple.

Iba nga raw ang charm nito sa mga sumusubaybay ng kanilang show na Bee Happy Go Lucky. Everytime nga raw na ngingiti ito ay maraming mga kabataang kababaihan at maging miyembro ng third sex ang nabibighani ng young actor.

May nagsasabi nga na katulad daw ito ng Pambansang Bae na si Alden Richards na marami rin ang nahuhumaling dahil sa dimple nito. Bukod nga sa galing sa pag-arte ay forte rin ni Chester ang kumanta, kaya naman daw tutok na sa SMAC YouTube channel kung saan mapanonood si Chester.

UpgradeUpgrade, tuloy ang concert sa Music Museum

TULOY NA tuloy na ang concert ng grupong Uprade na kinabibilangan nina Casey Martinez, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Ivan Lat, at Mark Baracael na gaganapin sa December 4, 2015, 8 pm sa Music Museum na prinudyos ng The Aqueous Group of Companies and Star Image.

Suportado ang Upgrade ng kanilang mga iniendorsong produkto tulad ng UniSilver Time, Cardams, Royqueen Gadgets, Aficionado Germany Perfume, Crew8 Salon, at Ysa Skin and Body Experts.
Dream come true raw sa Upgrade ang kanilang concert: “Matagal din naming hinintay na magkaroon ng sariling concert, kaya nga dream come true sa amin ito.

“Sana lang manood ‘yung mga supporters at nagmamahal sa amin para after this, may kasunod pa ulit na concert.

“Sisiguraduhin namin na mag-e-enjoy silang lahat sa mga inihanda naming mga production numbers.”

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKevin Poblacion, nakikita ang sarili kay Coco Martin
Next articleRegine Velasquez, sinusubukan pero ‘di na umaasang mabubuntis ulit

No posts to display