Arlyn dela Cruz, huhusgahan sa pelikulang idinirek

Arlyn-dela-CruzTOUCHED NAMAN ako sa isinulat ng kaibigang Arlyn dela Cruz sa kanyang Facebook account that I write from the heart.

In short, emotera ako tulad din niya na ngayong December 17 to 24 ay mapapanood ang kauna-unahang pelikula na siya ang nag-produced, sumulat at nag-direk.

Yes, manganganay ang pelikula niyang Maratabat na mapapanood sa mga sinehan ng SM Megamall at Greenbelt 4 bilang bahagi sa limang New Wave Category na napili ng MMDA para mapabilang sa MMFF 2014.

Sa pelikulang Maratabat, huhusgahan ang kagalingan niya bilang isang film director. Hindi na kasi kuwestyon kung magaling siyang radio commentator (DZIQ Radyo Inquirer) na nagsimula ng kanyang karera sa radyo sa DZBB. Si Arlyn, isang hard hitting journalist (she writes for the Philippine Daily Inquirer), kung saan susuungin niya ang mga war zone just to get her stories at isang dokumentarista.

Naalala ko noon na sa pagiging mapangahas niya, dumayo siya ng Muslim Mindanao to get her story at hayun dinukot siya ng MNLF break-away group just for the reason, istorya ang hanap niya.

Sa katunayan, ilang beses ko pinilit si Arlyn na aminin kung ang pelikula niyang Maratabat ay tungkol sa pangyayari na pinagpapatay ang maraming mga media sa Maguindanao na tinaguriang Maguindanao Massacre dahil the film is similar sa tunay na pangyayari. The films speaks of Mindanao Warlods, family conficts, Mindanano political crisis at mga isyu na sa Mindanao na araw-araw nating nababasa sa dyaryo at naririnig sa radyo.

Unang in-offer ni Arlyn kay Kris Aquino ang pelikula. Nag-meeting pa nga sila pero dahil sa hectic schedule ni Kris tinanggihan niya ito. Pero si Kris, proud sa sarili dahil siya ang unang kinonsidera ni Arlyn na gumanap na bida sa pelikula. Hinayang si Kris pero may kontrata ang celebrity host sa Kapamilya Network na hindi siya puwedeng basta-basta na lang umalis to do an out of town shoot bukod sa kinonsider ang location na delikado for her security.

Mapangahas si Arlyn para sa pelikula niyang Maratabat. Sa Mindanao pa sila nag-shooting ng halos 10 days to get the feel of Muslim Mindanao.

Hindi nga niya sinabi na roon ang location nila hanggang sa makabalik na sila ng Manila for security reasons.

I just wonder kung ang mga young and fearless journalist natin ngayon ay may gayon din tapang tulad sa tapang ng kaibigan naming ito.

Will a journalist risk her life just to get the real story? ‘Yan si Arlyn dela Cruz. Kaibigan ko. Pareho ko na emotera, mahadera at nakikialam.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleKris Aquino, pigil sa pagsi-share ng lovelife
Next articleKris Aquino, ‘di ikinakahiya ang pagiging stage mom

No posts to display