099965xxxx – Idol, itatanong ko lang po kung tama ba ang ginagawang pagbibitbit ng shotgun at baby armalite ng mga barangay tanod habang nasa barangay hall? Ginagawa rin po nila ang pagbibitbit ng mga nasabing armas sa kanilang pagronda at pagresponde gabi-gabi.
0908638xxxx – Sir Raffy, isa po akong secretary ng asosasyon namin sa isang baranggay rito sa San Jose del Monte, Bulacan at may gusto lang po akong itanong. Kasi may nangyari pong gulo rito sa amin dahil sa pag-aaway ng mga tricycle driver. Lumapit ako upang magtanung-tanong kung tagasaan ang nag-away na mga driver. Maya-maya po ay bigla na lang akong binatukan at kinaladkad ng isang SPO2 Acosta. Ang sabi niya ay bakit nag-iimbestiga pa ako nandoon na raw sila. Wala naman po sigurong masama sa ginagawa kong pagtatanong doon sa isang binugbog dahil sa lugar namin nangyari ang insidente? Sobrang yabang po ng pulis na ito at bubunutan pa nga po ako ng baril. Tama po bang asta ito ng PNP? Hindi naman niya kailangang gumamit ng dahas dahil puwede naman niya akong kausapin o sawayin sa maayos na paraan?
0927567xxxx – Sir Raffy, gusto ko pong ipakalampag ang mga kinauukulan dito po sa Recto corner Abas Santos dahil po sa mga jeep na ginagawang pilahan ang mismong kanto ng nasabing kalye. Araw-araw po na ganito ang sitwasyon kaya laging buhul-buhol ang traffic. May mga pulis naman po at traffic aide sa paligid ngunit mga nakatingin lang at hindi man lang mapagsabihan o mapaalis ang mga nakapila para hindi magdulot ng trapiko. Sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat po.
0908295xxxx – Sir, isusumbong ko lang po ang sakay ng mobile car ng highway patrol group na may body number na 002 dahil nangongolekta ng lagay rito sa mga FX sa MRT North Avenue Station. Salamat po.
0919465xxxx – Idol, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan sa pulisya dahil sa madalas na holdapan sa mga pasahero ng bus sa Philcoa na biyaheng pa-Tungko sa pagitan ng ala una hangang alas tres ng madaling-araw. Sana po ay maging vi-sible ang mga pulis sa lugar. Salamat po.
0927475xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko lang po sa inyo ang Talipapa High School sa may Caloocan dahil naniningil sila ng contribution para sa I.D. na P20, P100 para sa PTA, P15 para sa janitor o maintenance ng school, P10 para sa library I.D. Isang public school ang Talipapa High School at hindi po ba bawal mangolekta sa mga pampublikong paaralan. Sana po ay matulungan po ninyo kaming mga magulang. Salamat po.
Ang WANTED SA RADYO ay mapakikinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cebu at Davao ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 29.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo