NAKAKATUWANG KAUSAP SI Tita Midz (Armida Siguion-Reyna) dahil prangka siyang kausap. She always speaks what is on her mind without batting an eyelash. Pero mayroon namang punto ang kanyang mga sinasabi. At muli ko itong napatunayan when I recently had an interview with her on The Buzz.
Sinabi ni Tita Midz na gusto raw niyang gumawa ng pelikula na challenging ang topic gaya ng Ampatuan massacre.
Hindi talaga matalikuran ni Tita Midz ang industriya ng Pelikulang Pilipino at hindi naman lingid sa ating kaalaman that Tita Midz, together with her family, established Reyna Films kung saan siya ang producer at si Carlitos Siguion-Reyna ang director. Reyna Films had a string of memorable movies like Hihintayin Kita sa Langit, Ikaw Pa Lamang ang Minahal, Inagaw Mo ang Lahat sa Akin, Abot-Kamay ang Pangarap, Ligaya ang Itawag Mo sa Akin, Kahapon May Dalawang Bata, Azucena, and Ang Lalaki sa Buhay ni Selya. Halos lahat ng mga ito ay umani ng mga parangal dito at sa ibang bansa.
Tita Midz is the former chairperson of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) and staunchly believes that there’s no place for censorship in the country. “Dapat wala nang censorship. If you cannot be truthful in your approach to your movie ay huwag mo nang gawin ang pelikula kung matatakot ka sa board of censors.”
Sa kanyang palagay ay bagsak daw ngayon ang industriya at ang tanging solusyon sa problemang ito ay tanggalin ang censorship board. Paliwanag niya, “Anong nangyayari ngayon sa industriya ng Pelikulang Pilipino? Pati TV? Pare-pareho ang istorya. Pare-pareho ang shows. How do we grow? We don’t grow that way! Well in fairness, the new board chairman Grace (Poe-Llamanzares) is quite liberal. Saka iyong board niya is quite liberal.” But Tita Midz still keeps an open mind na kaya pa ring buhayin ang industriya natin.
Samantala ay isang magandang balita naman ang hatid ni Tita Midz because she will be touring the US her long-running show, Aawitan Kita. Parang kakambal na niya ang Aawitan Kita dahil kapag binanggit mo ang pangalan ni Tita Midz ay tiyak na isa ang Aawitan Kita sa mga bagay na maaalala mo tungkol sa kanya. “Makikipagsapalaran ako roon. Hindi ako maaaring hindi active dahil talagang iyon ang buhay ko.”
Isa si Tita Midz sa mga tinitingalang haligi ng sining-Pinoy. Nagbahagi rin siya ng kanyang payo para sa mga kabataang performers ngayon. “You have to be original. Huwag kang manggaya dahil magaling si Sarah Geronimo eh, gagayahin mo na si Sarah Geronimo. You have to find your own creativeness. Iyong creativity mo, iyon ang gamitin mo.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda