SA MAKUWENTONG PAGPAPATAWA lang idinaan ni Arnel Ignacio ang sagot sa tanong kung totoo nga bang dyowa na niya si Suzuki. Sa mga taong nagsasabing Griyego (Greek) sa kanilang pandinig ang pangalang ito, si Suzuki, una sa lahat ay obvious namang hindi nagmula sa Greece kundi sa Japan, isa sa mga castaway ng Survivor Philippines Season 2.
Kay Suzuki nali-link ngayon ang TV host-comedian, na balitang binigyan niya ng motor at kung anu-ano pang mamahaling bagay masungkit lang niya ito.
“O, inamin ba niya? Usapan namin, magde-deny kami. Ha, ha, ha!” bulalas ni Arnel. “Ang totoo niyan, bumili nga ako ng motor, pero para sa akin ‘yun, nagpasama lang ako kay Suzuki nu’ng bilhin ko ‘yon sa Tondo,” lugar kung saan nakatira ang Fil-Japanese hunk. Pero totoo bang niregaluhan niya ito ng cellphone? “Oo, pero hindi niya kinukuha sa akin. Blackberry ‘yon, Black sa harap, Berry sa likod.”
Ang totoo lang daw, amused siya kay Suzuki, naturingang pogi pero parang may isang katangian itong ipinagkait sa kanya. Ayon kay Arnel, their closeness started when he spotted Suzuki while driving somewhere in Pasay City. Arnel pulled over, dinungaw ito, sabay dayalog ng: “’Di ba, artista ka, ano’ng itinatayu-tayo mo riyan? Nag-aabang daw siya ng taxi, pupunta yata sa taping or whatever. Sabi ko, para ka namang namimik-up diyan, o nagpapapik-up, sige, sumabay ka na. So isinakay ko na siya sa kotse. Du’n na nagsimula ‘yon, hanggang bigla na lang kaming nagkikita sa mga gimikan sa Quezon City,” salaysay ni Arnel.
Pero ayaw tumbukin ni Arnel kung may namamagitan sa kanila ni Suzuki, or at the very least, nagkatsugihan na sila. Basta amused lang daw siya. Pero parang hindi namin ikina-amuse ang showbiz answer ni Arnel, maisalang nga siya sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central… ayyyy, may tsismis nga pala ang segment host nito involving Suzuki!
MABUTING SAMANTALAHIN NI Chokoleit ang pagkakataong hindi pa niya natatanggap ang abiso mula sa korte para pormal nang umusad ang kasong libelong isinampa laban sa kanya ni Cristy Fermin. Sa lengguwahe pa rin kasi ng komedyante sa kanyang mga pwit, este, tweet against Cristy, ipinagmamalaki pa nito ang kanilang day in court which he inappropriately terms as Grand Fan’s Day.
Chokoleit can say anything and everything he wants in this social medium, mag-ingat lang siya sa kanyang mga salita tulad ng ‘ulol!” Once the case is being heard lest he be cited for contempt of court! Gusto kong unawain si Chokoleit dahil he doesn’t belong to our ranks as writers, pero isa sa mga cardinal rule in Journalism: we don’t invite libel.
Cristy, whom I am admittedly throwing my full support to, maintains na ang hirap kasi kay Chokoleit, ang tingin niya sa showbiz ay isang malaking comedy bar. Fine with me. But in showbiz, the other is a tragic face. This just might be Chokoleit’s look for insulting the courts of law!
NAKAPAKETE SA LIMANG must-see, all-new programs ang hatid ng TV5 simula ngayong Lunes hanggang Biyernes sa primetime block from 8 to 9 p.m.
Get a dose of laugh and lots of it as Eugene Domingo’s fantaserye Inday Wanda premieres tonight. Under the direction of Bb. Joyce Bernal, isa itong adaptation ng Pinoy animated material na nagtatampok din kay Ariel Rivera.
Fun is further sustained sa pagbubukas ng sitcom na Hapi Together led by John Estrada, kung saan ayon nga sa iba nitong cast members ay sumesentro sa family values. Bale apat na batikang direktor ang bumubuo nito: Leo Martinez at Soxy Topacio who play warring brothers, mula sa panulat ni Joey Reyes at sa direksiyon ni Al Tantay. Tuwing Martes naman ito.
Kung hindi pa sapat ang katatawanang ‘yan, catch Lady Dada starring Ryan Agoncillo every Wednesday. Drag queen naman ang drama rito ng Talentadong Pinoy host with Keempee de Leon and actor-turned-politician Roderick Paulate.
Lalaktawan ko lang ang Huwebes, dahil siksik din sa komedya ang pam-Biyernes na Lokomoko U with no-nonsense humor to boot.
Your Thursdays will never be the same again as Untold Stories (Mula Sa Face To Face) churns out insightful revelations from people whose struggles in life we can all relate to.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III