Arnel Ignacio, ‘di man lang makadalaw sa kaibigang si Richard Pinlac na isang linggo nang nasa ospital

Arnel Ignacio & Richard Pinlac
Arnel Ignacio & Richard Pinlac

Nitong martes ay eksaktong isang linggo nang nasa ICU ng Capitol Medical Center ang kaibigang Richard Pinlac at ang pangalawa naming pagdalaw sa kanya sa pangunguna ng itinuturing niyang nanay-nanayan na si Cristy Fermin.

Still unconscious, nakakabit pa rin kay Richard ang ilang aparatong nagmo-monitor ng kanyang (stable namang) BP, pulse rate at paghinga sa pamamagitan ng respirator. Unlike our first visit, ang sumunod na pagkakataon manifested revealing signs of difficult breathing.

Pero kung may maganda mang balitang hatid ang naabutan naming si Dr. Ventanilla, ‘yun ay ang saglit raw na pagmulat ng mga mata ni Richard although those were blank stares.

Nu’ng Martes ding ‘yon, abut-abot ang pasasalamat ni Cristy sa aabot yatang limang beses na pagtawag sa kanya ni Col. Jude Estrada na nangungumusta sa development sa kundisyon ni Richard. Sa mga hindi nakaaalam, malapit si Richard sa puso ni Jude who’s as much worried like the former’s close friends kung paanong naiinip na rin kung kailan muling gigising si Richard Pinlac.

In stark contrast ito sa isa ring kaibigan (nga ba?) ni Richard na si Arnel Ignacio, na lumipas na ang isang linggo’t lahat, ni anino ay hindi nagpaparamdam sa taong dapat sana’y kinukumutan niya ng malasakit. Nasaan ang mga gabing magkakasama sila noon ni Richard na nagpapasaya kay Arnel Ignacio?

Maging sa Facebook daw ay out of touch si Arnel, pulos mga post sa kanyang minanok na presidentiable na si Digong Duterte ang nakabalandra sa kanyang wall, wala ni isa man lang mensahe o dasal para sa ikagagaling ng kaibigang maysakit ang naroon.

‘Eto si Jude Estrada na hindi naman madalas kasa-kasama ni Richard, pero daig pa ang isang kuya whose world crumbled sa nangyari sa huli; habang nasa kabila naman si Arnel Ignacio, Richard’s constant companion pero mistulang karayom in a haystack.

Mauunawaan namin kung masyadong abala si Arnel sa kanyang mga gawain bilang isang host-comedian, pero hindi nga ba’t wala na nga siyang career bunga na rin ng kanyang work attitude?

(Writer’s note: As of last Wednesday, masayang itinawag ng butihing ina ni Richard, si Mama Yolly, kay Cristy na dumilat na ito after eight days since his confinement. Yes, Virginia, there’s Santa Claus and there’s a living, healing God!)

MARAMING MGA nagbibinata ang naka-relate sa nakaraang episode ng “Ismol Family”, usung-uso kasi ang tuli o circumcision this time of the year.

Isa ang kabataang si PJ who welcomed his manhood bagama’t nahihiya siya. Pero last minute ay umatras siya dahil sa takot even if accompanied by Jingo (na magpapatuli rin?). Nang magkaroon nga ng lakas ng loob, PJ submitted himself to the procedure kasama si Bobong.

Samantala, nag-aral namang magluto si Yumi to impress Ethan, kaso palpak ang lahat ng kanyang mga attempts. Ang ending: it was Ethan’s turn to take a crack at cooking para si Yumi naman ang ma-impress niya.

SPEAKING OF taking a crack at something new, Global Port team owner Michael Romero is already assured of a seat in Congress, ito’y makaraang pumasok sa Top 3 ang 1Pacman party list.

Credit goes out to James Yap and Terrence Romeo who, because of their campaign endorsement nitong nakaraang eleksiyon, 1Pacman prominently figured in the ratings surveys among all the party list candidates.

At hindi n’yo ba napansin that somehow, two most important people na nakadikit kina James at Terrence outside their hardcourt lives may have brought victory upon Michael?  Sino pa kundi sina Kris Aquino at Vice Ganda.

In a way, nakatulong din ang “mag-asawa,” huh!

ISANG SIZZLING Friday night ang ihahatid sa inyo ng “Happinas Happy Hour” tonight if only for the rare assembly of hotties ever on primetime TV.

Abangan ang nakaiintrigang kitchen segment ni Maria Ozawa titled ‘Cooking Ni Maria’, plus ang mga panauhin sa ‘Maboteng Usapan’ hosted by Ogie Alcasid and Janno Gibbs as Kembot and Kembolar, respectively.

Diana Menezes is back in harness, anong kakabug-kabog kayang eksena ang kanyang gagawin to steal the thunder from Roxee B, Fil-Brit hottie Margo Midwinter, Korean gravure girl Jinri Park and controversial FHM sexy columnist Abby Poblador?

Abangan din ang mga naughty games na ‘Sipsip-Buga’ at ‘A Knows Ba ‘Yan’ na siyempre, may body contact involved. All this and more on “Happinas Happy Hour” mamayang alas nuwebe ng gabi!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMabahong police station
Next articleNora Aunor, balak idemanda ng producer ng kanyang indie film na “Kabisera”

No posts to display