NAKAUSAP NAMIN ANG mahusay na komedyanteng si Arnell Ignacio. Tahimik lang si Arnell pero busing-busy pala ang komedyante. Bukod sa pagte-taping ng Kambalilong, may radio program siya sa DZBB every morning with Susan Enriquez at host din siya ng Shall We Dance sa TV5. Every now and then, naiimbitahan siya ng mga matataas na tao sa lipunan tulad ng high-ranking military officials para mag-host sa kanilang mga affair.
Nakatakdang umalis this week si Arnell patungong US para sa series of shows, kung saan makakasama niya ang legendary Superstar na si Nora Aunor, German Moreno, Teri Aunor at iba pa. Excited si Arnell sa show niya sa US dahil first time niyang makakasama ang Superstar.
“Nagmi-meet na kami noon ni Ate Guy pero hindi kami talaga nagkaroon ng chance na magkatrabaho. First time talaga na magsu-show kami together. D’yos ko! Si Ate Guy ang dahilan kung bakit ako naging bakla,” bulalas ni Arnel.
Isang Noranian kasi ang kanyang ina at bawat bahagi sa bahay nila, may malaking larawan ni Ate Guy. Pati outfit noon ni Ate Guy na napakaluwang na long sleeves, pinasusuot sa kanya ng madir niya. Kaya hayan, lumaki siyang bading.
Masyadong namang nai-involve si Arnel sa mga problema ng bayan, dahil sa kanyang radio show. Natutuwa siya dahil ang bilis-bilis ng feedback na nakukuha nila lalo na sa mga taxi drivers at iba pang sektor sa lipunan. Desidido si Arnell na tumakbo ulit bilang konsehal sa District 1 ng Quezon City lalo na’t kung may tutulong sa kanya to finance his candidacy sa 2010.
Speaking of Ate Guy, we heard wala na siya sa poder ng dating aktor na na-link sa kanya from India na si Sadjid Khan. Split na raw sina Ate Guy at Sadjid kaya wala na naman daw tumutulong ngayon sa Superstar. Mabuti na lang daw at may mga kumukuha pa rin kay Ate Guy para mag-show roon.
AT THIS POINT, nais naming magpasalamat sa lahat ng bumati at nakisaya sa amin last Wednesday. Unang-una sa PR heads ng Star Cinema na si Roxy Liquigan at Mico del Rosario na nagbigay sa amin ng munting party sa Blu Without U.
Talagang sing-to-death at todo-dance ang mga kabigan namin from the entertainment press. At dahil natuwa sa kanila ang guest namin that night, ang napakabit at napakasimpleng si Mr. Ricky Chang ng PAGE Exclusiv at may-ari ng Watering Hole, kasama ang kaibigan niyang si Sir Romy na dating member ng Catindig band, nagpa-contest siya sa bawat table. Haping-happy naman ang manunulat sa nakuha nilang prize, huh!
Maaga pa lang, dumating na ang future First Lady ng Quezon City na si Tates, ang butihing misis ni QC Vice-Mayor Herbert Bautista. Nagpapasalamat kami sa pagdating ng “donya” na si Sally Bondoc, si Ms. Edith with Dok ni Ms. Cristina Decena at sa lahat ng mga kapwa namin entertainment press!
Salamat din kina Boy Abunda, Willie Revillame, Ara Mina, Jobert Sucaldito, sa manager ni Gerald Anderson na si Jun Reyes, ang ABS-CBN Corporate PR at sa butihing manager ni Angel Locsin na si Tita Becky Aguila.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio