Arnel Ignacio, pinabababa ang sarili dahil sa lalaki?!

CRUEL AS IT may sound, “self-demotion” ang pinaiiral ngayon ni Arnel Ignacio na mas gugustuhin pang maging alalay na lang yata ng kanyang kinahuhumalingang si Suzuki Sadatsugu.

At a recent chance encounter, aminado si Arnel na hindi naman talaga eksaktong umiikot ang kanyang mundo ngayon sa dating Survivor castaway being linked to him. Whether there exists a liaison between them—romantic or erotic—hindi raw ‘yon mahalaga, a non-issue even.

Totoo, inilalako ni Arnel si Suzuki like a human merchandise to any willing producer, magkaroon lang ito ng pagkakakitaan. Never mind kung mismong ang naglalako ng paninda (Arnel) ay walang pinagkukunan ng ikinabubuhay.

But to say that Arnel is bereft of any means of income is belittling his ability to survive. Truth to tell, hindi lang naman mula sa kanyang showbiz work naitatawid ni Arnel ang kanyang buhay. Ever since, may mga negosyo na siyang pinasok which, in fact, have become more lucrative sources of income.

At this point din daw sa kanyang career, aminado si Arnel na hindi na niya kailangan pang makipagsabayan sa ibang mga komedyante in pursuit of fame, and yes, in the name of reinvention. Tumigil na nga raw ang komedyante sa pang-uurot even with the GMA bosses kung anong susunod niyang proyekto, let his last hosting stint via Gobingo go down in history.

HINDI KO NA babanggitin ang mga partikular na programa sa TV na halata namang may pasaring sa mga katapat ng mga ito. But need I say which?

Hirit ng isang news program, wala raw itong bahid-pulitika. Dangan nga kasi, ang ipinantapat sa kanila ay dating nanungkulan sa bansa na ipinartner sa asawa ng dating kumandidato sa ikalawang pinakamataas na puwesto.

‘Eto pa ang isang morning show, may paeklay na sa kanilang programa raw ay pinagbabati nila ang mga magkakaaway na panig. Ginamit nilang plug ang isang ina na tutol sa pakikipag-ugnayan ng kanyang anak sa isang lalaki. Nagmakaawa ang daughter sa ina, pinagtagpo ang lalaki, happy ending ang kasunod.

Maganda ang intensiyon, kumbaga sa term paper, nailatag ang problema (statement of problem), sinundan ng resolution. Mas nabigyan nga naman ng timbang ang pagkakaunawaan more than the conflict.

Hindi na kailangan pang paikutin ang mga manonood, such plug is clearly a brickbat against TV5’s FaceTo Face. Bangayan kung bangayan naman kasi ang nagaganap muna sa mga unang segments ng programa ni Amy Perez, verbal stones are hurled by warring parties, oftentimes ay meron pa ngang pisikal na nagaganap.

But thanks to the so-called B1 and B2 (mga bouncers stocky enough to stop battles from becoming wars). Pero in fairness to Tiyang Amy’s “barangay bangayan”, there’s this Trio Tagapayo composed of professional advisers in fields na nasasakupan ng mga kasong tinatalakay sa bawat episode.

Nandu’n na tayo, the televised battleground is such that it reeks of palengketic, tacky ambience. Iisipin mo pa ngang scripted ang Face To Face, but its staff will tell its viewers straight to their face, it is spontaneous.

LET THE unnamed be named, once and for all. Suki these days ng mga blind item ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, reportedly shooting a movie in India.

Una na rito ang tsismis na produksiyon ‘yon ng Star Cinema, but the film arm of ABS-CBN has already denied any involvement in the project even if Robin and Mariel are with the network. So, what does it make the movie—an indie film shot in India?

May mga tsika ring sandamakmak ang production hitches ng filming nito. On the personal side, Robin and Mariel are said to be under extreme emotional conditions that stifle the filming. Kung sweet na sweet daw kasi sila, after lunch na raw ang kanilang gising, too late para i-shoot ang mga day effect scenes.

At kung may LQ raw sina Robin at Mariel, expect a much more delayed shooting sked, idagdag pa ang kawalan nila siyempre ng mood para magtrabaho. Holed up in the privacy of their room, ibang klase raw kung mag-away sina Robin at Mariel.

If Alladin rides his flying carpet… when hell breaks loose kina Robin at Mariel ay hitsurang lahat ng mga bagay sa kanilang silid ay lumilipad. Pero teka, hindi ba’t nauna nang lumipad ang career ni Mariel, only to vanish into thin air?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleYoung actress na magaling umarte, ubod na ng arte sa kanyang stylist, tamad pang mag-eskuwela!
Next articleTV host / VJ, P7-M plus kada taon ang pinakawalang offer mula sa malaking network!

No posts to display