FROM ACTING, pinasok na rin ng mahusay na actor/ host/ comedian na si Arnel Ignacio ang pagpo-produce via Rock of Aegies. Tsika nga ni Arnel, “Producer na kaagad?! Hahaha! Hindi naman. Artista lang ako sa Rock of Aegies, siyempre kasama ka at na-inspire naman ako sa magandang resulta ng show dahil marami ang nanonood. Binili ko na ‘yung isang araw at magbibenta na ako ng ticket. Hahaha!
“At ‘yung araw nga na pinili ko, July 12. Kaya nananawagan ako sa lahat ng mga kaibigan, kaklase at kababaryo at sa lahat-lahat na suportahan ako at bumili ng ticket. Hahaha!
“Alam ko medyo mahirap kasi hindi natin alam kung magiging katulad ba ng mga naunang pagpapalabas ng Rock of Aegies e,h marami pa rin ang manonood. Pero sabi ko nga, lahat naman ng gagawin natin sa buhay, sugal. Ako naman, mahilig sumugal.
“So kung ano man ang maging resulta nito eh, tatanggapin ko kasi sumugal ako. Pero sa ganda kasi ng Rock of Aegies alam kong marami pa rin ang interesadong manood nito o ‘yung mga nakapanood na gusto pa ring panoorin ulit.
Depende naman daw sa resulta ng kanyang 1st produced show kung masusundan pa ito.
“Ewan ko kasi alam naman nating madetalye ang pagpo-produce. Siguro tingnan ko muna ‘yung magiging resulta nito, malay natin ‘di ba? Mula dito tapos magkasunud-sunod na at magiging certified producer na ako. ‘Pag sinuwerte baka nga kailangang magtuluy-tuloy na.”
Wala naman daw plano si Arnel na iwan ang mundo ng pag-arte. “Parang sa ayaw at gusto ko parang iniiwan na rin ako ng pag-arte sa showbiz. Hahaha! Pero masuwerte pa rin, kasi may mga dumarating pang shows sa akin, like ‘yung sa TV5 kinuha nila ako as a Beki, father ni Isabella ‘yung dating Duday sa Da De Di Do Du na isa nang magandang dalaga.
“Tsaka ‘yung role na binigay nila sa akin masarap gawin, kaya excited akong gawin ito. Kasi minsan ‘yung mga role na inaalok nila sa akin parang wala lang. Kaya naman kaysa tanggapin ko ‘wag na lang mamahinga na lang ako sa bahay. Hahaha!” Pagtatapos ni Arnel.
BONGGA ANG ginawang press presentation of candidates ng 2014 Miss Teen Earth and Little Miss Earth Philippines na binubuo ng 20 beautiful teens at 20 very witty and pretty kids na ginanap sa Dusit Hotel kahapon, May 21, 2014. Hatid ng PLDT Home Telpad, GMA 7 at Runway Productions.
Pang-international ang beauty ng mga napiling kandidata na karamihan sa teens ay matatangkad at tunay na magaganda bukod pa sa artistahin ang mga ito.
Gaganapin ang bonggang Coronation Night sa May 27 sa SM MOA Arena at may delayed telecast sa GMA 7’s SNBO with guest performers like Jay R, Gloc 9, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Kyla, Hail Mary The Queen Children’s Choir hosted by Bb. Pilipinas Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee, Bb. Pilipinas International 2008 Patricia Fernandez, Ms. World 2011 1sy Princess Gwendoline Ruais at actress/ host Carla Abellana.
NAKATAKDANG MAGKAROON ng Meet and Greet ang award-winning actor at isa sa prime teen artist ng GMA 7 na si Kristoffer Martin sa Star Mall Edsa-Shaw sa Sunday (May 25) 4pm, kung saan makakasama nito ang Walang Tulugan With The Master Showman mainstay 4G na kinabibilangan nina Ken Sarmiento, Shaun Salvador, Pau Dela Cruz, at Kristian Buencamino.
Na susundan ng isa pang Meet and Greet ni Kristoffer sa June 15, 2014 sa Star Mall San Jose, Bulacan kasama pa rin ang grupong 4G, kung saan muli nilang pakikiligin, aawitan at sasayawan ang kanilang mga tagahanga.
John’s Point
by John Fontanilla