Arnel Pineda, hiniling na ibalik ang mga bar sa Roxas Blvd! – Ronnie Carrasco

KADALASAN, REPORTERS DO not have to look for news. News will find them.

Take the case of Snooky Serna, still mourning the loss of her mom, Mila Ocampo, pero nakita ng ilang mga kasamahang reporter sa isang online casino nito lang Martes ng madaling-araw. Ayon sa pagkakalarawan sa aktres, naka-shades ito at may balumbon sa ulo that covered her face. Bandang alas-dose raw ‘yon ng hatinggabi.

Nagkataong katabi raw ni Snooky ang isang reporter, na hindi na raw sana mapapansin ang presensiya ng aktres kung hindi nito hinahaplus-haplos ang screen, sabay dayalog ng “Mommy, mommy…” Pahiwatig daw ‘yon na magluwa sana ng libu-libong pera ang tinayaang game sa pahintulot ng yumaong ina.

Kaagad tuloy itinimbre ng katabing reporter sa kanyang mga kasamahan ang nagsusugal na aktres. Defensive naman daw agad si Snooky sa kanyang pagdi-disguise, much less her casino visit. Kesyo alas-sais ng gabi raw ang kanyang call time sa isang taping, pero na-move daw ito nang na-move hanggang ala-una ng madaling araw.

MISMONG SI ARNEL Pineda ng grupong Journey ang umurot kay DENR Secretary at dating Manila City Mayor Lito Atienza na muli nitong ibalik ang kanyang mga ipinatayong bar along Roxas Boulevard.

Tulad ng alam ng lahat, no trace is left of that long strip buhat nu’ng maging mayor si Alfredo Lim, even Manny Pacquiao’s Knockout Bar was literally knocked-out!

Katuwiran ni Arnel, sayang naman daw ang tanawing ‘yon kung saan nagsilbing training ground niya ‘yon sa kanyang pag-eensayo to become the country’s pride. Ang dati rin kasing well-illuminated Roxas Boulevard na sakop ng Maynila has become more decorative than providing lighting bilang tugon ng dating administrasyon sa pagsugpo ng mga naglipanang krimen.

Hindi raw ba aware ang pamunuan ngayon ni Mayor Lim na ang mga binaklas niyang istruktura, as an act of political vengeance, ay pag-aari ng local government? That being so, lumalabas na sinayang lang ni Lim ang pondo ng gobyerno, or shall we say people’s money?

NAGSILBING HIGHLIGHT SA launch ng tabzine (tabloid/magazine) na STIR (Stir stands for Showbiz Talk and Intriguing Report) ang ‘Videoke Singing Contest’ for the press, thanks to its editor Maryo Labad’s brilliant idea.

First placer si Ambet Nabus with his rendition of “Hanggang”, followed by Ernie Pacho who sang “Guitar Man”, at pumangatlo si Richard Pinlac who dished out “You”.

Hindi po pinalad ang inyong lingkod, but it was worth my time at Zirkoh Bar launch. Not only was the event showbiz, it also bordered on sports. “Sport” ang mga natalo sa singing contest, or so I thought.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleFocus: Jamby’s Show… Jamby’s Time… It’s Jamby’s Showtime!
Next articleJudy Ann Santos, 4 na beses nagtangkang lumipat sa Siyete! – Eddie Littlefield

No posts to display