ROCKSTAR ARNEL Pineda performed the newest jingle for anniversary plug of a big supermarket chain. Ito ang first ever jingle song ng international singer.
“I like the jingle kasi, ito ‘yung relationship ng small enterprenuer ng Puregold. Ito ‘yung nangangarap na aasenseso sila balang araw sa sarili nilang pagsisikap. Sa ngayon, ‘yan ang agreement namin, to be one of the ambassador,” say ni Arnel.
Kahit international singer si Arnel, kaya rin niyang abutin ang masa sa pamamagitan ng kanyang jingle. Hindi ba siya awkward habang kinakanta ito? “Hindi naman, hindi naman ito parang nagdi-defeat about me. It’s like me, ikinukuwento sa mga tao.”
Your first reaction nang i-offer to sing the jingle? “I like it, tinanggap ko siya kasi, maganda ‘yung melody niya, maganda ‘yung message niya. At saka, naka-relate ako, ako rin naman ay small enterprenuer pa rin in a way. Natutututo pa lang akong mag-negosyo,” sambit ni Arnel.
Sabi ni Arnel, before pa, nag-start na siya ng small business with her wife noong time na hindi pa siya sikat na singer. Nangarap ding siyang magtayo ng sarili niyang food business someday. Sana nga raw may isang branch siya ng supermarket. Kaya nga lang, wala sa contract nila na puwede siyang maging part owner nito, considering na isang international singer si Arnel. “Kung nasa contract ‘yan, hindi ninyo ako kausap ngayon, iba ang kausap ninyo. Ibig sabihin, masyadong mahal, bibigyan ka ba naman ng isang tindahan, that’s more than the talent fee,” pahayag nito.
Naikuwento ni Arnel na nag-food business sila noon ng kanyang asawa. Hindi pa siya singer, marunong na siyang magluto dahil tinuruan siya ng mother niya. Nagluluto-luto siya ng iba’t ibang putahe at nilalako ng kanyang misis sa mga bahay-bahay at opisina. “Nagluluto ako sa bahay and then, nilalako niya. I think, it’s good enough to sell it, bahay lang siya sa Kamuning. Mostly, lutong Pinoy, dinuguan, kare-kare, kaldereta, afritada. Nag-try rin kaming mag-loan para ma-afford naming magkaroon ng puwesto, mahirap. Siyempre, alam mo na kapag wala ka pang masyadong pera noon, wala kang panggarintiya. Sandali lang ‘yun, kasi nagkaroon naman ako ng good offer sa Hong Kong to sing, to be in the band, ‘yun.”
Hindi kaagad-agad tinanggap ni Arnel ‘yung offer. Pinakinggan muna niya ang melody at isinapuso ang lyrics nito bago nila tinanggap. “The moment na nagustuhan namin ‘yung project. Mutual naman ‘yung agreement, magsasabi ka, sasabihin nila, and then if they can afford, ‘yun.”
Ngayon, financially-stable na sa buhay si Arnel, puwede na siyang magtayo ng sarili niyang food business, kailan kaya? “The only problem is my time now, committed ako sa job ko sa Journey. Siguro kapag nagkaroon ako ng chance, mayroon na akong luxury of time, saka o gagawin,” paliwanag nito.
Home buddy pala si Arnel, siya mismo pala ang nagluluto sa kanyang mga anak (3 boys and 1 girl) at asawa, if ever na may time siyang gawin ito sa kusina. “Monggo, tinola, sinigang na baboy, sinigang na isda, pinakbet, etc.”
Pangarap din niyang ipagluto ang grupo ng Journey na naipangako na niya. “Wala ngang chance, paggising mo, maliligo ka na lang. Kahit ako, hindi nakapagluto roon, I buy my food. Nasabi ko sa kanila, we never really had that golden chance na mapagluto ko sila, ‘yung golden moment. Parang suicide kapag nagluto pa ako. Kapag wala akong tugtog, I can cook. I can even stay na mahabang oras na hindi natutulog. I don’t have to worry na bukas may tugtog ako. In ten days, I’ll be leaving for Europe na. Eleven shows ang gagawin ko, three weeks lang and then, I’ll come back, break for another 20 days, fly to America, summer tour naman,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield