Arnel Pineda, sasagipin ang mga batang lansangan! – Chit Ramos

AS A BACKGROUNDER, forty two (42) years old na pala si Arnel Pineda kahit mukhang nasa twenties lang siya. Nakaka-tatlong asawa na rin siya. Tatlo na rin ang kanyang panganay, would you believe?! Si Arnel ay ang international vocalist ng grupong Journey na biglang nabuhay nang natuklasan siya sa YouTube mahigit dalawang taon na rin ang nakararaan. Naging bonggang-bongga tuloy ang grand opening ng Empire Superclub sa Metro Walk ni Mr. Mike Spiotti dahil sa presence ni Arnel. Kasama pa ni Arnel ang controversial ding si Jimmy Bondoc at Joey Generoso ng Side A Band.

Hindi po totoong pabling na maituturing si Arnel kahit nakatatlong asawa na siya.

“Kung guwapo po siguro ako, baka puwede. Kaya lang, hindi po ganu’n ang istorya ng buhay ko,” katuwiran niya. “’Yung first po, iniwan ako after 7 years naming pagsasama. Iyak po ako nang iyak noon. Naawa naman sa akin ang kapatid ko. Inaalo niya ako at sabi pa niya, hayaan mo at may ipakilala ako sa iyo. ‘Yung ipinakilala niya ang sumunod kong naging karelasyon. Pinakasalan ko na. Pero, hindi rin nagtagal. Iniwan din ako.

[ad#post-ad-box]

“‘Yung third at present kong misis, magkasundung-magkasundo na ang ugali namin. Hinintay kong ma-annul ang kasal ko at pinakasalan ko rin. Siya na talaga, I know,” kuwento pa niya.

Kung madrama ang love life ni Arnel, mas madrama ang pagsisimula niya sa pagkanta.

“Wala po akong bahay na matitirahan noon. Kung saan ako kumakanta, doon na rin po ako natutulog. Maliit lang po kasi ako kaya nagkakasya ako. Minsan may umampon sa aking kaibigan, dinala niya ako sa bahay nila. Nang gabi na, marami pala sila at nagsisiksikan din sa maliit nilang bahay. Kaya sa labas ulit ako natulog, sa isang maliit na bangko. Naging laman po ako ng Luneta at mga kalye,” dagdag-kuwento pa niya.

Pang-MMK ang buhay ni Arnel. Pagbalik niya mula sa commitment niya sa NBA games sa Oakland, USA, magkakaroon siya ng pagkakataong magtagal sa ‘Pinas. Magpe-perform siya sa Mall of Asia sa Nov. 14 (sa Katy Perry show) with a member of the Journey, Nicole of Pussycat Dolls, among others. Mananatili siya dito hanggang May 2010 bago siya bumalik sa USA para gawin ang bago niyang album at ang European, American at Asian tour with the Journey hanggang 2011. Grabeh talaga si Arnel!

Medyo nahihiya pa si Arnel na ikuwento ang kanyang buhay pero pinilit namin siyang magsalita. Napaka-interesting ng buhay niya at magsisilbing inspirasyon ito para sa mga nawawalan na ng pag-asa.

“Natutuwa po talaga akong mag-stay nang matagal dito sa ‘Pinas. Unang-una, dahil po sa dito kami naka-base ng pamilya ko. Gusto ko rin pong ituloy ang project ko na suportahan ang mga batang-kalye na katulad ko. Ayoko pong gawin nilang prostitute ang kanilang sarili dahil hindi po natatapos ang buhay ng mga batang-kalye sa lansangan.

“In my case, 3rd year high school lang po ang natapos ko pero, mayroon palang naghihintay na magandang buhay sa akin dahil hindi po ako napagod mangarap at magsikap para makaahon sa hirap,”sabi pa niya.

Itinanggi rin ni Arnel na nagkaroon ng pagkakataon na gusto na niyang humiwalay sa grupo ng Journey dahil napagod na raw siya nang husto sa katu-tour.

“Iyon po ang hindi puwedeng mangyari. I will be with them for as long as they want me. Kung hindi po dahil sa kanila, hindi po giginhawa ang buhay ko. I am very happy with them.”

Wala din siyang hinanakit sa mga Pinoy dahil ang grupo ng Journey pa ang nakatuklas at naka-appreciate ng kanyang music .

“Ang mga pagkakataong tulad ng naranasan ko ay bunga ng pangangailangan. There was a need for the group to find someone like me dahil namatay nga po ang vocalist nila. Nag-fit in lang po ako sa pangangailangan nila. That’s the reason why I’d like to share my luck sa mga katulad ko.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

Previous articleRachelle Ann at Gab, miss na miss ang isa’t isa pero nag-iisnaban!
Next articlePanty ang secret kaya box-office lahat ng movie ni Ai-Ai! – Eddie Littlefield

No posts to display