Almost a month na palang nandirito si Arnel Pineda. Si Arnel ang kababayan natin na vocalist ng rock group na Journey na isa sa kilalang foreign bands worldwide. Siya ‘yong biritero na kahit gaano kataas ang pitch (or note) ng kakantahin niya, paandaran ka niya at mapahahanga ka sa kanyang talent at istilo.
Sa press launch ng concert ni Arnel na “Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers at the Theater at Solaire” na gagawin sa October 28, naikuwento niya sa amin na wala raw pala siyang sariling tirahan sa Amerika, kung saan doon siya naka-base almost six months of the year at magko-concert tour sila ng banda. Hindi tulad ni Paquiao na bumili ng mansion sa Los Angeles, California, iba ang diskarte ni Arnel sa buhay.
“I stay sa hotel. Palipat-lipat kami, depending kung saan ang show namin sa US or even sa Europe. After my commitment sa Journey, uuwi na ako ng Pilipinas,” pagkukuwento niya.
Mas gusto ni Arnel na mas nagtatagal siya sa bansa natin kung wala rin lang naman siyang commitment overseas.
“Mas gusto ko ritong mag-stay,” kuwento niya sa amin ni Tito Alfie Lorenzo na nandoroon din sa pagtitipon.
Kung walang singing engagement or commitment dito sa Pilipinas at hindi siya busy, ang inaasikaso naman daw ni Arnel ay ang kanyang foundation, kung saan at the moment ay meron siya almost 15 academic scholars.
“Tulung-tulong kami. I seek support sa mga kaibigan ko sa US at sa sponsors ko para maipagpapatuloy ng mga bata ang pag-aaral nila,” pagbibida ng Pinoy pride natin.
Sa Solaire show ni Arnel, makasasama niya ang “Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala” na si Michael Pangilinan (wala siya last Sunday sa presscon, dahil stranded ang return flight niya from Bacolod due to bagyong Karen), ang “The Next Big Diva” na si Morrisette (na absent din during the presscon, dahil nasa Singapore ito for a commitment), ang all-female na Pinoy group na 4th Impact na sikat sa UK at Europe na na-impress si Simon Cowell nang mag-judge ito sa X Factor UK na super galing ng magkakapatid na sina Mylene, Irenem, Almira, at Celina at nagpasiklab sa kanilang pasampol performance that afternoon sa media.
Ang show ay kinabibilangan din ng magandang si Mayumi at ng T.O.M.S. Band.
Hanep sa galing talaga ang mga Pinoy. Iba ang Pinoy.
Reyted K
By RK VillaCorta