MISTULANG TELESERYE ANG ngayo’y nasa husgado nang kaso ni Arnell Ignacio laban sa tatlong pulis na umano’y nangotong sa kanya.
Siyempre, si Arnell ang bida. No other principal cast included maliban sa gumaganap na antagonists (the three highway patrol cops) at sandamakmak na extrang kinabibilangan ng mga senior citizen na kulang na lang magdala ng mga placard in support of the alleged kotong victim.
Playing supporting roles are LTO Registration Chief (for imported cars) Ditas Gutierrez and a certain Atty. Pormento, legal counsel ng tatlong parak.
Sa text kuwento ni Arnell in our constant monitoring of the case, nakatagpo ng kakampi ang TV host-comedian sa pagkatao ng hepe ng LTO. Kung igigiit pa raw kasi ng abogado ng tatlong akusadong pulis na “hot car” ang Porsche ni Arnell gayong napatunayan na mismo ng naturang tanggapan na hindi ito ganu’n based on the proper documents presented ay kakasuhan na si Pormento ng libel.
Ano’t ipinagpipilitan pa raw ng abogadong ‘yon na nakaw ang sasakyan ni Arnell, gayong mismong ang LTO na ang nag-validate na taliwas ‘yon sa depensa ng kabilang panig na ipinagkakalat pa mandin nito sa media?
Pero mas bongga ang partisipasyon ng pulutong ng mga senior citizen na in full force ay lumitaw sa pre-trial kamakailan sa San Juan bilang suporta sa krusada ni Arnell. Tension reportedly ensued between the three cops’ colleagues and the elderly women.
Diumano, sinungalngal daw ng isang pulis-San Juan ang isang matanda, pointing at the latter’s group na diumano’y mga bayaran ni Arnell. Mismong sa tungki raw ng ilong ng matandang babae ipinamukha ng parak na ‘yon na mga paid supporters sila ni Arnell.
Frail as these elderly women may be, hinabol raw nila ang pangkat ng mga pulis-San Juan na ‘yon, sabay korus nilang ipinagsigawan na: “Kami kahit isang kusing, hindi nanghihingi kay Arnell. Eh, kayo, nakasingkwenta (mil) na, nambabastos pa kayo ng matanda!”
Siguro, sa pagkakataong ito, San Juan Mayor JV Ejercito has to step in. Nasa jurisdiction niya kasi ang husgadong dumidinig ng kasong isinampa ni Arnell laban sa tatlong miyembro ng Kapulisan ng naturang siyudad. With JV’s semi-showbiz connections, mas magkakaroon ng kabuluhan ang kanyang puwesto sa pagtulong sa isang nadehadong personalidad mula sa mundong nagpasikat sa kanyang ama.
SA DAKONG HULI, pinili ni Carlos ang kanyang Nanay Virgie na noong una pa ma’y diskumpiyado na sa umano’y pokpok na kinakasama nitong si Mylene, na todo-deny sa panlalalaki. Pero nang masukol, mismong si Mylene na rin ang umaming ineebakan nga niya sa ulo si Carlos.
Ito ang buod ng isa na namang katsipang kuwentong matutunghayan ngayong Miyerkules sa Face To Face na pinamagatang First Love Ng Aking Solong Anak Ay Pila-Balde Kaya Ako’y Nanggagalaiti.
Another katsipan to the max ang hatid ng naturang programa bukas, Huwebes, sa episode na Tricycle Driver Sa Kalsada Ay Rumaratsada, Pero Sa Amo Pumaparada! Iniwang luhaan ni Jay ang kinakasamang si Rowena nang makatsugihan ang tricycle operator na si Liberty.
Depensa ni Jay sa kanyang pagpatol kay Liberty, hindi raw ito hidhid sa pera ‘di gaya ni Rowena na bu-ngangera na’y marami pang demands sa kanilang relasyon.
Hay, when it comes to the cheapest of neighbourhood issues na yata, no other show beats Face To Face kaya’t tara nang magpakatsipipay na rin!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III