MATAGAL-TAGAL NA RIN naman daw nang huli siyang sumalang sa pelikula. Kaya nang ialok kay Arnell Ignacio ng director na si Lem Lorca, hindi raw siya tumanggi dahil nagandahan naman siya sa istorya ng Bola.
Conservative na ba-ding daw ang role niya na mas gusto naman niya kesa ‘yung mga roles na nagtutumili siya sa mga eksena.
Pero biniro ko si Arnell na baka naman kaya niya sinagutan agad ang nasabing role eh, sa dahilang for the first time eh, may kissing scene siya sa ilang eksena sa pelikula?
“Hindi naman. Nagkataon lang na sa eksena, kailangan siyang gawin. Eh, ‘di ginawa!”
Very unlikely nga kasi ‘yung bigla siyang sasalang sa pelikula. Sa rami pa naman ng pinagkakaabalahan niya.
“Things like this naman, they just come. Eh, tiyempong teka, parang type ko namang mag-pelikula for a change. Kaya, dahil matino naman ang script, tinanggap ko. And so far, maayos naman ang production nila. Ang layo nga lang ng location. Sa Cavite, kaya ngarag ang mundo ko.”
Sa ngarag, ang ibig sabihin nu’n, radyo sa alas-dos ng madaling-araw, jogging sa umaga nang wala pang tulog, bisita sa siomai kiosk niya in Greenhills, pasok sa business niyang hair creative system, uwi para naman harapin ang anak na si Pie at saka pa lang matutulog sa hapon kung may puwang na. At kung kakai-langanin siyang ipatawag ni Ma’am Wilma Galvante para ipadala na naman siya sa kung saang bansa para i-promote ang GMA Pinoy TV, lipad naman siya agad-agad.
Kaya after ng London, sa Japan naman daw ang next trip niya. It’s a good thing na pinapayagan naman siya ng Radyo Patrol niya sa TV5.
TUWING MAGPAPALITAN KAMI ng text messages ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor o kaya eh, magkakatawagan kung kaila-ngang-kailangan, hindi mawawala sa tsikahan namin ang pagka-miss niya sa kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanyang mga ka-patid at mga anak.
Kahit naman nakasama niya ang ilan sa kanila sa ibang bansa at nagkita-kita sila, iba pa rin daw kung dito sila uli sa Pilipinas magsasama-sama kahit sa sandaling panahon lang.
Kaya nga, kasama rin ng kanyang Noranians, pati man ang Superstar eh, nananalangin na makauwi na siya the soonest possible time.
“Kung hindi man natutuloy ang mga nauunang ibalita, ang ibig sabihin lang noon eh, talagang pinaghahandaan. Excited din siyempre akong magtrabaho uli sa harap ng camera. Kaya natutuwa naman ako, anak, na meron pang gustong magbigay sa akin ng proyekto na gaya ni Governor ER (Jorge Ejercito), at iba pa. Kaya, sabihin mo lang sa mga patuloy na nagmamahal sa akin na konting panahon na lang.”
SI EUGENE DOMINGO ang itinang-hal na Best Actress sa 7th Cine-malaya Independent Film Festival para sa papel na ginampanan niya sa Ang Babae Sa Septic Tank na idinirihe ni Marlon Rivera mula sa iskrip ni Chris Martinez.
Noon pa man ay talagang excited si Euge sa ginawa niya sa nasabing role. Nang dumalo ito ng 8th Golden Screen Awards ng ENPRESS, Inc., hindi nga siya makalakad at kailangang alalayan some months ago.
Resulta raw ‘yun ng pagkakahulog niyang talaga sa isang septic tank habang kinukunan ang kanyang eksena. Nadulas siya kaya naman kinailangang isailalim sa the-rapy ang kanyang likuran.
Kaya, tuwang-tuwa rin sa speech na nai-share niya sa mga tao si Euge nang tanggapin ang kanyang award.
Na kinailangan pa raw pala niyang kumain ng tae para siya manalo. Tawanan s’yempre ang mga nagsidalo sa nasabing awards night.
Malamang na maging conten-der na naman si Euge sa nasabing role sa mga darating na namang awards next season.
Ayon sa nabalitaan namin sa nag-a-update ng mga pangyayari sa Cinemalaya, maihahatid na sa mainstream na mga sinehan ang nasabing pelikula simula sa Agosto 3, 2011. Kaya, alamin kung bakit si Euge ang tinanghal sa Ang Babae sa Septic Tank na masasabing isang role na hindi madaling gampanan.
The Pillar
by Pilar Mateo