HINDI MAN against sa same-sex marriage ang gay TV host-comedian na si Arnell Ignacio, sa kanyang sariling pananaw ay mas magandang ipaubaya na lang ang pagpapakasal sa babae’t lalaki.
Maaalalang ikinasal si Arnell noong 2004 sa isang babae, si Frannie, pagkatapos ng 12 taong pagsasama nila. Ngunit pagkatapos ng ilang taon ay nagkahiwalay rin sila.
Tsika nga nito sa taping ng Solved na Solved sa TV5 studio, “Sa personal na opinyon ko ito, dahil kasal ako. Tama na ‘yung seremonyas na lang ang i-enjoy ng same sex. Kasi kapag nilagyan n’yo ‘yan ng legal, instead na magkaroon kayo ng solusyon, baka magkaroon pa kayo ng problema na ang hirap i-solve.”
Diin pa niya, “Naku, hindi! Sa kapwa ko lalaki? Ayoko! Kunwari lalagyan na natin ng legality, ayoko talaga. Papano kung ayaw ko na, eh, ‘di mahirap?” pagtatapos ng mabait na host/comedian.
John’s Point
by John Fontanilla