Arnell Ignacio, bida sa mga bisita sa isang showbiz gathering dahil sa pagiging maka-Duterte

Arnell Ignacio
Arnell Ignacio

Bida si Arnell Ignacio even if he arrived as one of the well-wishers at a recent showbiz gathering.

Bukod kasi sa kanyang new look (he has grown beard, or has his “bird” grown?) ay marami sa mga bisita roon sa kalapit na mesa ang halos-sabay na nagsasabing, “Oy, Arnel Ignacio, penge namang Duterte watch!”  Sagot naman ng hitad, “Sige, magpapagawa uli ako.”

Instantly, we surmised na kagagaling lang ni Arnel mula sa pangangampanya para sa Davao City Mayor, isa sa limang presidential bets.  And for sure, hindi lang siya basta nag-perform tulad ng ibang mga artista who render their services dahil trabaho lang kundi Arnel must be one of Digong’s celebrity supporters.

At ang the height nga ng pagsuporta ni Arnel ay gastos niya marahil ang mga giveaway na relo.

Pero buhat nang magkita kami sa okasyong ‘yon ay marami na ang nangyari, Duterte almost hogged the daily headlines, wala pa man ang aming chance encounter with the TV host-comedian.

Nariyan ang rape joke ni Duterte which earned him the flak from women’s right groups, from the Church and even from the foreign diplomats sa bantang wawakasan niya—if elected as President—ang ugnayan sa Amerika at Australia.

All this ay bago ang pagbibidang ‘yon ni Arnel for being the “watch sponsor” of his presidential choice.  Now, it’s equally interesting to also WATCH Arnel’s mental and emotional transition.

Maka-Digong pa rin kaya ang hitad na hiwalay na sa kanyang dyowang si Ken Psalmer? Nakooo, as if naman may kunek ito sa isyu, ‘no!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleStranded dahil walang panglagay!
Next articleAljur Abrenica, pabaya na sa hitsura?

No posts to display