BUKOD SA good health sa kanya at sa kanyang pamilya at maunlad na negosyo, wish din ni Arnell Ignacio sa kaarawan niya na tumagal pa sa ere ang hinu-host niyang programa sa TV5, ng Solved na Solved.
Tsika nga nito, “If they want to extend the show, it would be a beautiful idea. I would love to do another season of our show.
“‘Eto naman ‘yung maise-share mo sa experience mo kapag matagal ka na sa showbiz, meron mga bagay-bagay rito na hindi nasusulat sa papel, e. Hindi nasusukat ng mathematics or science. ‘Eto nasusukat sa pakiramdam, e.
“Napakabata ng show, e. Itong third month ng season na ito, nararamdaman mo na we’re on the right track. Tumatanim na kami sa memories, sa habits ng mga manonood.
“I just hope that TV5 ay magkaroon ng mas malinaw na vision sa show na let it grow. Parang tanim lang iyan, e, katatanim mo lang, na ngayon ay nagbibinhi na, hindi mo naman puwedeng sabihin na mamunga ka na.
“Pagka iyan, e, nagkaroon na ng ugat at tumubo nang matibay, the show will be a formidable force in that timeslot,” pagtatapos ni Arnell.
John’s Point
by John Fontanilla