HOW TRUE na isa na namang Hapon ang nali-link ngayon sa magaling na host/businessman na si Arnell Ignacio na isa rin sa host ng pinakabagong game show every Sunday sa TV5, ang Game ‘N Go, at ito ay ang ex-BF ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga?
Kung maaalala, after Suzuki Sadatsugu na na-link noon kay Arnell ay wala nang ibang lalaking na-link sa nasabing host. Lately lang nga sumabog ang balitang nagkakamabutihan sina Arnell at Daniel dahil magkasama ang mga ito sa Game ‘N Go at nasa iisang dressing room.
Tsika nga ni Arnell nang makatsikahan namin sa Paparazzi last Saturday, sobrang bait daw ni Daniel, wala raw kayabang-yabang at down to Earth, bukod pa sa guwapo, maganda ang pangangatawan at laging nakangiti. Dagdag pa nito na nalilinya raw yata ang beauty niya sa mga Hapon dahil may dugong hapon din si Daniel. ‘Yun na!
HINDI NAIWASANG maiyak ni Kuya German Moreno sa kanyang Saturday midnight show sa GMA-7, ang Walang Tulugan with the Master Showman, nang bisitahin siya at sorpresahin nina Vice Mayor Isko Moreno, Hon. Gary Estrada, Hon. Lani Mercado at ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor para batiin ng Father’s Day.
Hindi raw inakala ng mahusay at napakabait na host na darating ang ilang artistang natulungan nito during the time na nagsisimula pa lang ang mga ito at itinuring na mga anak. Nasorpresa rin ito sa pagdating ni Ms. Nora Aunor na kararating pa lang galing ng Amerika.
Part nga ng naging speech nito na sana raw ay magbigay ng oras ang ilan pang mga nagiging anak-anakan nito sa industriya sa susunod na taon (May 07, 2013) dahil kanyang iseselebra ang kanyang ika-50 taon sa industriya, kung saan magkakaroon siya ng espesyal na pagtatanghal sa GMA-7.
Balak ding isa-libro ni Kuya Germs ang kanyang buhay at sasamahan ito ng video kung papano nagsimula ang isang Kuya Germs sa showbiz at kanyang mga pinagdaanan sa loob ng 50 years.
IN-ANNOUNCE na kahapon ang walong opisyal na kalahok sa darating na 38th Metro Manila Film Festival na gaganapin sa Dec. 25, Araw ng Kapaskuhan. Ito ay ang mga sumusunod: 1) Coño Problems ng GMA Films starring Aljur Abrenica, Solenn Heussaff and directed by Andoy Ranay; 2) El Presidente ng Cinema Concept International Inc. na pinagbibidahan ni Gov. E.R. Ejercito at Cristine Reyes, direktor nito si Mark Meily; 3) Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Unitel and TV5 starring Richard Gomez, Iza Calzado and Rufa Mae Quinto. Sina Mark Meily at Chris Martinez ang direktor ng pelikula; 4) One More Try ng Star Cinema and Viva Films. Bida dito sina Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Angel Locsin. Direktor si Ruel Bayani.
Ka-join pa rin ang 5) Shake Rattle and Roll XIV ng Regal Entertainment. Sina Vhong Navarro, Dennis Trillo, Carla Abellana, Lovi Poe ang ilan sa mga bida rito. Direktor ng pelikula si Chito Roño; 6) Si Agimat, Si Enteng and Me ng OctoArts, APT, Imus Productions, GMA at M-Zet Productions. Sina Vic Sotto, Bong Revilla at Judy Ann Santos ang pangunahing artista sa pelikula. Si Tony Reyes naman ang direktor nito; 7) Sisteraka ng Star Cinema at Viva Films. Pagsasamahan ang pelikula nina Kris Aquino at Vice Ganda under the direction of Wenn Deramas; at 8) The Strangers ng Quantum Films. Bida naman sina Enrique Gil, Enchong Dee at Julia Montes. Direktor: Lawrence Fajardo.
John’s Point
by John Fontanilla