MAY KUNG ANONG cosmic connection mayroon sa pagitan nina Nora Aunor at Boy Abunda, at nataon pang pumatak ngayong araw ng Lunes ang mahalagang petsa sa kanilang mga respective career.
Kuya Boy is a self-confessed, dyed-in-the-wool Noranian. Kahit sa kanyang estado ngayon as an iconic TV personality, the King of Talk’s fan mentality never fades, it all the more increases lalo’t pagkatapos ng mahabang panahon, he gets reunited with his idol.
Parang pinagtiyap ng tadhana ang bagong direksiyon ng sinasambang idolo at matapat na tagahanga, as today ushers in a new beginning for both Ate Guy and Kuya Boy with their respective tasks.
Ngayong Lunes huhusgahan ang returning Superstar via her TV5’s mini-series Sa Ngalan ng Ina. Conversely, mamayang gabi—sa mas pinaagang time slot—ang pagiging bahagi ni Kuya Boy sa news program na Bandila ng ABS-CBN.
In a sense, we can see a reversal of sorts sa magkaibang trabaho nina “Guy” at “Boy” (semantics-wise, magkapareho rin sila in terms of gender!). Muling “bumabandila” ang walang-kupas ng nag-iisang Superstar ng bansa, habang nagbawas ng trabaho ang King of Talk sa “ngalan ng (kanyang) ina”.
GUSTONG ISIPIN NI Arnell Ignacio na sa pagkaka-dismiss ng tatlong parak ng PNP-Highway Patrol Group sa serbisyo ay doon na rin natuldukan ang kanyang pangamba.
Sibak sa tungkulin sina PO3 Jose Levy Llagas, PO3 Neil Pono at PO1 Joel Lasala alinsunod sa pinirmahang dismissal order ni Chief Superintendent Leonardo Espina kamakailan. All three have been accused by Arnell of alleged robbery na naganap noong March 26, 2011.
Despite the justice he believed was given due him, hindi pa rin daw ganap na mapayapa ang loob ng hitad, in fact, he does not move around these days without the bodyguards na mismong itinalaga ng HPG for his security.
Sa tanong kung nakatatanggap ba siya ng mga pagbabanta nga-yong nasibak na sa puwesto ang mga inireklamo niyang pulis, “Wala nga, eh. Du’n ako mas natatakot. Sana napagod na lang sila.”
Marso pa noong maganap ang insidenteng umano’y pangongotong sa kanya, anim na buwan pagkatapos nu’n ay nagkaroon na ng agarang desisyon ang tanggapang nakasasakop sa tatlong akusado, by far, what important lesson has Arnell learned from this experience?
“Huwag tayong maging indifferent. Sa kaso ko na nasa showbiz, huwag tayong talak lang nang talak. But at the same time, huwag na-ting pairalin ang init ng ulo dahil may proseso tayo na dapat sundin. Higit sa lahat, huwag tayong matakot, manalig tayo sa ating justice system dahil ang mga taong naaagrabyado, pinagbabayaran ‘yon ng mga taong nang-aagrabyado sa kanila,” paliwanag ni Arnell na nu’ng inorasan ko, kumbaga sa allowable 30-second answer sa Q & A portion sa Miss U, pasok sa banga… partida, wala pang interpreter, ha?!
ABANGAN NGAYONG LUNES sa Face To Face ang kuwentong May Ka-short Time Sa Loob Ng Jeep Si Driver, Pero ‘Di Si Misis Kundi Ibang Lover! Mismong ang jeep ope-rator ang nakahuli sa kanyang drayber na si Rannie na may kaulayaw sa loob mismo ng kanyang sasakyan, ngunit hindi ito ang kanyang asawang si Lanie.
Masama naman ang loob ni Minda sa kanyang sugarol na ina at labinlimang batugang kapatid sa Tuesday episode na Gumiling Ako, Mapalamon Lang Kayo… Ako Pa Ba Ang Maglalaba’t Magluluto?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III