Arnell Ignacio receives death threats in Twitter!

CAMERAS ARE LIKE innocent children: They don’t lie.

Patunay ang eksenang napitikan ng kamera ng Startalk TX sa Golden Screen Awards ng EnPress, nilapitan ni Philip Salvador ang kanyang ex-live-in partner na si Kris Aquino who was seated at the Teatrino para bumeso. Iniabot naman ni Kris ang kanyang pisngi—pero huling-huli ng kamera—daig pa ni Kris ang kumain ng maasim na manggang hilaw sa pagngiwi ng kanyang nguso!

Startalk TX’s camera caught it, inilabas ‘yon sa T! The Tigbaxxx Authority na dapat sana’y nakasentro lang sa mga kasuotan ng mga artistang dumalo sa naturang taunang parangal, but Kris’s “wearing” a sour smile immediately after Kuya Ipe gave a kiss on her cheek became the segment’s ultimate source of laughter!

Teka, baka namamalik-mata lang ang Startalk TX? Pinasadahan uli ang eksenang ‘yon, bull’s eye, nang ibeso nga ni Kuya Ipe si Kris ay ipinaling nito ang kanyang tingin sa kanan, sabay nag-iba ang korte at hugis ng mga labi ni Kris!

For sure, hindi “dense” si Kuya Ipe para hindi maramdaman ang naging reaksiyon ng dating ka-relasyon. But given their happier times before, imposibleng hindi kabisado ng aktor ang karakas ni Kris from head to toe, in much the same way that Kris is the type of a person who sizes up anybody from head to toe with condescension.

SUE AND PURSUE. Ito ang kasalukuyan nang ginagawa ni Arnell Ignacio sa kanyang kaso laban sa tatlong parak ng PNP-Highway Patrol Group. His first step was to report the case to the Ombudsman, ang institusyon kung saan maaaring idulog ang mga erring practices ng mga taga-gobyerno.

Sinundan ito ng pormal na niyang pagsasampa sa San Juan City ng patung-patong na kaso sa mga ito with the blessing ng mismong hepe ng mga bumiktima sa kanya. But while Arnell seems to get the shot-in-the-arm from even the people he hardly knows from Adam and Eve, in this business where a TV host-comedian tries his darnest best to bring joy and laughter to everybody – sad to say – totoo ang kasabihang “you cannot please everybody.”

May banta na kay Arnell sa Twitter, from a certain “joygutierrez28” na nagsabing “pinaliliit mo lang ang mundo mo, isipin mo ang mga pamilya ng kinasuhan mo.” Nakakatuwa, kundi man isang kaistupiduhan ang ganitong pananaw. Kelan pa naging isang paglabag sa batas ang pagtuwid sa mga gawain ng mga mismong taong lumalabag sa batas, na dapat sana’y sila ang nagpapatupad nito?

Talk about the three policemen’s families ba, ‘ika nga ng Joy Gutierrez na ‘yon? Teka, hindi na nakutya ang mga kotongerong ‘yon na ang ipinakakain nila sa kanilang mga pamilya ay galing sa illegal na gawain?

Isa lang ang isinagot ni Arnell kung sinuman ang Joy Gutierrez na ‘yon na for sure, kamag-anak ng isa sa tatlong pulis na kinasuhan ng hitad: “Do not dare me to be a hero… I will embrace it with honor!”

Ang one-liner ni Arnell, pasok sa banga! Ang tatlong parak… pasok sa kulungan, buti nga!

ASAHAN ANG MAS makapagil-hi-ninga pang Lucky Numbers sa mga darating na Sunday with Eugene Domingo giving away as much as P1 million!

Two Sundays back, muntik nang maiuwi ang biggest showcase amounting to P550,000. Mas pinadali na kasi ang paraan para maging instant milyonaryo sa natu-rang TV5 game show na may halong musical, dance at variety.

All you have to do is to register any voice for free, join ka na every week! Just text LUCKY <space> REG <space> name/address/age and send it to 2929. Abangan sa programa kung may lilitaw na at least two (2) numbers na pareho sa last digits ng iyong cellphone number. If so, puwede ka nang sumali bilang Lucky Home Contestant. Just text LUCKY <space> NUMBERS to 2929.

Kung ang name mo ang mabubunot, hintayin ang tawag ni Uge to join the P1 million jackpot round. Lucky Numbers comes after Pinoy Samurai sa Tanghaling Go Go Go block ng TV5.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBea Alonzo did make Vic Sotto amazed
Next articleArmida Siguion-Reyna will be touring her ‘Aawitan Kita’ in the US

No posts to display