Arnell Ignacio, tinamad na sa kaso laban sa 3 pulis?

EKSAKTONG DALAWANG LINGGO pa mula ngayon ang inaasahang pagbabalik ni Arnell Ignacio mula sa Japan, as his stay had to be extended. “Pinaho-host pa kasi ako ng show rito ni Sarah Geronimo,” reply ng hitad.

It’s been three months na kasi since no latest developments were heard of kaugnay ng isinampa niyang kasong robbery with intimidation laban sa tatlong miyembro ng PNP-Highway Group. And since nasa Japan ang bakla ay baka isipin ng husgado na tinamad na rin niyang ipursige ang kaso against PO3 Jose Levy Llagas, PO3 Neil Pono and PO1 Jose Lasala.

Matatandaang gabi noong May 26 when the TV host-comedian was apprehended by the three cops on the suspicion that the Porsche he was driving was a stolen car. Sa bahay ni Arnell umano nagkaabutan ng pera that got reduced to P50,000 na nakunan ng CCTV nito.

Late Thursday night when we received a text message from Arnell, “May warrant (of arrest) na inisyu ang San Juan Court sa 3 pulis. 100K bail @ (each).”  Pagsama-samahahin ang piyansang ito, it would represent one-sixth of how much cash they demanded from Arnell.

May puwede pa bang itawag du’n kundi… karma?

NASA STAGE 4 na nang ma-diagnose ng mga doktor ang cancer of the colon na dumapo sa 86 year-old na lola ni Rufa Mae Quinto, whom she fondly called Mommy Lucing.

Nitong June lang, barely two months before she succumbed to the ailment last August 7, nalamang konting panahon na lang ang binibilang. Correct me if I’m wrong, but P-Chi was closer to her lola than she was to her real mother, kaya masakit man daw ang pagpanaw nito ay, “Thy will be done” na lang ang nasambit ng TV host-comedienne.

Forcing herself to be in touch with reality, nakuhang ikubli ni P-Chi ang kanyang pangungulila sa pamamagitan ng naikuwento niya sa Startalk TX days before her Mommy Lucing crossed the Great Divide, ‘ika nga.

“May ibinilin siya sa akin na (number) 7, na hindi ko naman maintindihan. Ano’ng ibig niyang sabihin du’n, Channel 7?” simula niya. Little did P-Chi know the numerical significance, until… “Nu’ng Sunday sa Showbiz Central, nag-report pa ‘ko pero hindi ko na tinapos ‘yung show kasi didiretso pa ‘ko sa ospital. That was about 4 p.m., tapos bandang 7 p.m., hayun, nalagutan na ng hininga ang lola ko. Bigla kong naisip ‘yung number 7 na sinabi niya sa akin, she died on August 7 at 7 p.m.”

Kilalang madasalin daw si Mommy Lucing, kaya – pagpapatuloy ni P-Chi – hindi na nakapagtatakang, “Nakita na niya ang langit… kumakaway na ang mga anghel.”

REMEMBER THE CONTROVERSIAL, feisty psychologist Dr. Margie Holmes? Magsisilbi siya sa isa sa mga Trio Tagapayo in today’s edition of Face To Face titled Foreigner Na Umibig Sa Dalawang Pilipina, Tuliro Kung Sino Ang Ihaharap Sa Dambana.

Tunghayan naman bukas, Martes, ang Away Na Nagsimula Sa Telebisyon, Napunta Sa Prostitusyon At Nauwi Sa Aborsyon? Ipauunawa naman dito ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta that “ignorance is not an excuse” (in law).

PERSONAL: HINDI MAN pinalad sa larangan ng local politics, Mr. Romulo “Bebot” Bunye has found a rewarding  career in real estate as a broker. Kuya Bebot kung tawagin namin ang palangiting fellow customer namin sa Capitol Bar & Restaurant on Taft Ave., Pasay City. Aside from getting his hands on a much more lucrative profession, Kuya Bebot is an active president of the Royal Friday Club of Pasay, and (take note, Kuya Dan) an avid reader of Pinoy Parazzi.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAyaw nang makipagbalikan kay Bela Padilla Jason Abalos, gustong pakasalan si Jewel Mische!
Next articleLuis Manzano, isang kama lang ang natanggap na birthday gift mula sa inang si Gov. Vi!

No posts to display