NAKATABI NAMIN sa celebrity premiere ng Chiese Zodiac sa Trinoma si Gerald Anderson na katabi that time si Janice de Belen (na katabi naman that time ang mga anak ke John Estrada).
Hindi na namin tinanong pa si Gerald tungkol sa nangyaring eksena sa kanila ni Maricel Soriano, dahil “awkward” namang nandu’n ang aktor para mag-enjoy ke Jackie Chan. Saka hindi namin trip na iniiwasan kami ng artista ‘pag andu’n kami, sa takot na intrigahin sila.
Pero we told Gerald, “Bongga ka, hindi ka nagsasalita against Maricel Soriano. Tama ‘yan. Keep it up.”
“Oo nga. Matatapos din ‘yan.”
Sabi pa namin ke Gerald, “Juice ko, me mga nag-aakusa sa akin sa twitter, binabayaran mo raw ako. Eh, sabi ko naman, ni thank you nga, wala!”
Natawa na lang si Gerald at medyo mahiya-hiya pang nag-thank you sa amin.
Hahahaha! Keri lang ‘yon. Sanay na naman kami sa mga artistang gano’n at hindi na para ipagtampo namin. Para naman kaming kahapon lang naging reporter. Ayos lang ‘yon.
Anyway, tama kami. Si Dawn Zulueta na nga ang kapalit ni Maricel Soriano. At habang si Maricel ay gagawin naman ang movie nila ni Vice Ganda under the direction of Wenn Deramas produced by Viva Films.
NAHIHIYA NGAYON ang President for Happiness na si Caloy o mas kilala sa showbiz bilang si Arran Sese, dahil merong isang fake fanpage sa facebook kung saan si Caloy ay nagbebenta ng cellfone na iPhone for only P14k.
Kahit naman sino eh, maeengganyo. At sa sobrang engganyo, nakalimutan na nilang i-verify kung ke Arran ngang account ‘yon. Ayun, nag-deposit sila ng P14k at hanggang ngayon, walang celfone na idine-deliver sa bahay nila.
“Sobra na, Mama Ogs, eh. Nanawagan na ‘ko dati, pero me naloloko pa rin pala. ‘Eto nga, kakatawag lang ng tropa ko, pati siya, naloko rin as in ngayon-ngayon lang!”
‘Yung friend ng aming friend naman ay nakuhanan din ng P14k at nakanganga pa rin sa pag-antabay kung me darating bang cellfone o wala.
Muling uulitin ni Arran na hindi niya pag-aari ang fanpage ng Caloy, President for Happiness na nangungumbinsi ng mga likers na bumili sa kanya ng cellfone for P14k.
At sa manlolokong ito, itigil mo na ‘yan, dahil baka ikaw ang maging President for Karma.
DAHIL SA imbitasyon ng kaibigang Morly Alinio, kaya may-I-attend ako sa patawag niyang presscon para sa pini-PR niyang si Norris John na tubong Ifugao at nakikipagsapalaran sa showbiz via “Gabriel,” ang indie film na sinulat at dinirek din ng kasamang si Ronald Rafer.
Ang parents mismo ni Norris ang nag-produce para sa kani-lang anak na pangarap makilala bilang isang aktor at ‘eto nga, nakatakda na itong ipalabas sa Nov. 6 sa ilang selected SM Cinemas.
Hindi naman nag-aasam ang mommy ni Norris na kumita nang bongga ang kanilang movie. Gusto lang niyang patunayan sa anak niya kung gaano niya ito kamahal, kaya ang bawat gusto nito na may kinalaman sa pag-aartista ay suportado ng mommy at daddy niya.
Kahawig ni Carlo Aquino si Norris. Moreno, 20 yo at may taas na 5’5” at nagsimula na paekstra-ekstra noon sa PHR Presents “Kristine” kung saan, “Patakbo-takbo lang po kami no’n at hindi naman ako gaano napansin!”
Naglayas si Norris at tatlong araw na hindi nagparamdam sa nag-aalalang parents, kaya nu’ng mabalitaan nu’ng madir na umeekstra-ekstra pala ang anak ay naiyak na lamang ito at naintindihan ang pangarap ng anak, kaya nag-produce ng pelikula para kay Norris.
Hindi rin gusto ng madir ni Norris na “na-exploit” ang anak sa ginawa nitong pelikulang “Dulas,” kung saan nakipaglaplapan ito sa kapwa lalake, kaya kapag ikinukuwento ito ni Mommy ay naluluha na lang siya sa harap namin.
Anyway, basta ang sabi namin kay Mommy, hindi overnight ang success dito sa showbiz. Pinaghihirapan at ilang butas ng karayom ang pagdaraanan bago marating ang tagumpay.
Oh My G!
by Ogie Diaz