KAHIT NAGPAPA-SEXY na sa kanyang pictorials ang mahusay na actor na si Arron Villaflor, hindi pa rin daw niya kayang maging daring sa mga indie film, gaya ng pakikipaghalikan at bed scene sa kapwa lalaki.
Aprubado raw rito ang gumanap na bading sa ibibigay sa kanyang proyekto, pero ang magkaroon ng intimate scene sa kapwa niya lalaki ay hindi pa niya kayang gawin. Hindi naman daw siya against sa mga artistang pumapayag sa gano’ng klaseng eksena, pero hindi niya raw sa ngayon nakikita ang kanyang sarili sa ganu’ng eksena.
Okey lang daw sa kanya ang may eksenang topless or kissing scene sa artistang babae, pero hindi pa raw nito kaya ang magpakita ng bukol o maglantad ng puwet at magpasilip ng pubic hair sa pelikula.
John’s Point
by John Fontanilla