AYON SA aktor na si Arron Villaflor ay dalawang taon siyang walang trabaho simula nung lumipat siya sa Cornerstone Management pagkatapos ng matagal na pagiging Star Magic contract artist niya. Sobrang nami-miss na raw niya ang pag-arte at umaasa siyang mabibigyan ng trabaho ngayong nasa Viva Artists Agency na siya.
“It’s been a struggle for me like being floating for two years. It’s really hard for me with no work so I decided to transfer na rin. Sa akin naman, as long as it’s work walang problema sa akin, eh,” pahayag ni Arron sa digital conference ng Viva.
“Nabigyan lang tayo ng pagkakataon at naniniwala ako sa timing. I guess, hindi lang naman ako yung nahiwalay o nawala sa ABS-CBN. Ayoko lang mabakante.
“I am not getting any younger. I’m thirty-two, so sobrang excited ako sa lahat ng projects na puwedeng dumating para sa akin,” dagdag pa ni Arron.
Iginiit din ni Arron na wala siyang tampo sa ABS-CBN o sa Star Magic at maging sa Cornerstone na dating namamahala sa kanyang showbiz career.
“But now I’m happy na I’m working again and it’s good to be back,” dagdag pa niya.
Ang initial project ni Arron sa Viva ay ang Vivamax mini-series na Wag Mong Agawin Ang Akin.
Si Arron ay produkto ng ABS-CBN talent search na Star Circle Quest bago naging artista. Taong 2004 nang mapabilang siya sa roster of stars ng ABS-CBN Star Magic at naging bahagi ng mga Kapamilya teleseryes at mga pelikula.
Sasabak na rin ba siya sa sexy roles?
“Magpapaseksi, yes! Pero frontal (nudity)] , hindi ko makakaya ang frontal, but sexy, hundred percent,” tugon ni Arron.