WALA RAW rason para mainggit ang endorser ng Mario D Boro na si Arron Villaflor sa kanyang mga co-Gigger Boys like Enchong Dee, Sam Concepcion at Enrique Gil na nagbibida na.
“Sabi ko nga, okey lang sa akin, hindi ako naiinggit sa kanila. Ibigay na natin sa kanila ‘yung pagbibida, kasi mas gusto ko talaga ang mag-kontrabida.
“Ako naman kasi, hindi ako ‘yung tipo ng tao na naiinggit dahil may magandang nangyari sa isang tao lalo na sa mga kasamahan ko.
“I’m happy for them kasi they have their own journey and I also have my own journey. Kung saan man kami abutin, dapat maging masaya kami. At ako ano man ang abutin ng journey ko, masaya ako du’n.
“Mas natutuwa nga ako kapag may mga kasamahan akong umaasenso kasi time nila ‘yun, at naniniwala ako na darating din ang time ko.
“Hindi kasi ako pabor sa crab mentality, dapat dito sa showbiz nagtutulungan , hindi naghihilahan pababa. Kasi alam kong happy rin naman sila if may magandang nangyari sa career ko, kasi mga kasamahan ko sila.
“Kaya nga do something para umangat at mapansin ka katulad nila, dahil darating din naman ‘yung time na mapapansin ka basta galingan mo lang.
“Desisyon naman natin if gusto nating mapansin, kasi tayo ‘yung gagawa nu’n at hindi ‘yung ibang tao. So, kailangan talaga, you have to be good sa lahat ng ibigay sa ‘yong proyekto.
“Lagi ko ngang sinasabi, Lord bigyan mo ako ng project , hindi naman kasi ako naghahangad na bida ako kahit ano basta may project, masaya na ako.
“Kaya nga everytime na may project ako, alam kong blessings ‘yan galing kay Lord. Kaya nga in every project, ibinibigay ko ‘yung best ko bilang pasasalamat sa blessings.
“Tsaka sa dami ng mga artista ngayon, dapat may talent ka para tumagal ka, kaya ako I always study my lessons everytime na may project ako. Kasi gusto ko, after that project may kasunod at mangyayari lang ‘yun ‘pag maganda ang trabaho mo.
“Naniniwala kasi ako sa kasabihan na in God’s will mangyayari at mangyayari ‘yan walang imposible sa Diyos.
John’s Point
by John Fontanilla